Louise pinagagamot ang nanay!
SEEN: Hindi na makakaapekto sa tambalan nina Nadine Lustre at Carlo Aquino sa Ulan ang honest statement ni James Reid sa Gandang Gabi Vice noong Linggo na “we live together” na sila ni Nadine. Alam ng lahat na siya ang karelasyon ng aktres.
SCENE: Graded A ng Cinema Evaluation Board ang Ulan at good news ito para kay Nadine Lustre na hindi itinago ang pag-aalala dahil hindi si James Reid ang kanyang leading man. Nawala ang agam-agam ni Nadine nang mabasa nito ang maganda at mahusay na pagkakasulat ni Irene Villamor sa kuwento ng pelikula. Ang child actress na si Ella Ilano ang gumanap na young Nadine sa Ulan na may natural acting ability.
SEEN: Magkasunod na nagbigay kahapon ng tribute kay Chokoleit ang Magandang Buhay at It’s Showtime ng ABS-CBN. Malungkot ang mga host ng Magandang Buhay at It’s Showtime sa biglaan na pagkawala ni Chokoleit na sumakabilang-buhay noong March 9, 2019 dahil sa heart attack.
SCENE: Namimisikleta si Louise delos Reyes sa village na tinitirhan nila ng kanyang ina nang matanggap niya ang script ng Sanggano, Sanggago at Sanggwapo. Tuwang-tuwa si Louise dahil may bagong movie project siya na malaking tulong para sa pagpapagamot ng nanay niya na may chronic kidney ailment at Alzheimer’s Disease.
SEEN: Asawa ni Cristine Reyes ang role ni Guji Lorenzana sa Maria, ang action movie ng Viva Films na may cinema playdate sa March 27. Out of the country si Guji kaya hindi pa siya nakakapag-promote ng Maria.
SCENE: Si Teddy Corpuz ang title role sa Papa Pogi ng Regal Entertainment Inc. kaya siya rin ang nag-compose at kumanta ng theme song ng kanyang launching movie.
SEEN: Opisyal na ipinakilala kagabi ng GMA 7 ang complete cast ng Sahaya, na mapapanood sa Kapuso Network simula sa March 18 at tatampukan nina Bianca Umali, Migo Adecer at Miguel Tanfelix. Nahihiya at natatawa si Miguel kapag tinutukso tungkol sa mga topless scene niya sa Sahaya.
- Latest