^

PSN Showbiz

Gladys na-torture sa basag-kotse gang na naka-motor!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Gladys na-torture sa basag-kotse gang na naka-motor!
Gladys

Naiiyak si Gladys Guevarra nang nakausap ko sa telepono nung isang gabi dahil sa trauma nang nabiktima ito ng basag-kotse gang.

Nangyari ito nung nakaraang Huwebes, March 7 sa may Granada Street, Barangay Valencia, Quezon City habang nagpapa-rehab daw siya.

Ikinuwento sa akin ni Gladys ang buong pangyayari na nakita niya sa CCTV pagkatapos niyang magpa-blotter sa mga pulis. “Galing ako ng rehab, nagpapa-therapy ako eh. Nakasalubong ko pa silang dalawa (bukas-kotse gang). Siguro yung aktong ginagawa nila, pababa naman ako. Inilaw ko yung kotse, kaya umalis sila.

“Nandun lang nagkasalubong pa kami, nagkatinginan pa nga kami.

“Sabi nga ng mga pulis, mabuti na lang hindi ko nakitang inaaktuhan yung kotse, kasi kung aktong ginagawa, magri-react ako baka ano pa ang nagawa sa akin. Kasi malaking sindikato raw ang may hawak dun,” kuwento ni Gladys.

Mabuti na lang at wala raw nakuha sa loob ng kotse niya dahil sa kapal ng salamin ng sasakyan niyang Ford Explorer, hindi raw talaga nabasag nang husto.

“Thank God, kasi yung salamin ng kotse ko, basag na pero hindi niya maitulak. Kitang-kita ko sa CCTV eh.

“Kasi normally, binabasag nila, tapos itutulak. Hindi nila matulak,” dagdag niyang kuwento.

Nakuha na nga raw ng mga pulis ang identity nung gumawang iyun na isang lalaki at isang babae na naka-motor.

At large na raw yung babae, at kapapiyansa lang daw nun, pero alam daw nila, miyembro raw ito ng malaking sindikato na nambabasag ng kotse at nagnanakaw.

“Ang ano ko lang, di ba magtrabaho naman sila ng fair. Sa mga taong nananahimik, nagtrabaho lang tayo, nanahimik lang tayo, tapos sila ganyan-ganyan lang.

“Abala yan te!

“Saka yung torture sa akin…sa susunod pag mag-isa lang ako, tapos may katabi akong motor mapa-praning ako. Alam mo yun?” ma­ngiyak-ngiyak na pahayag ni Gladys Guevarra.

JK hindi cool, kailangan daw ng guidance ayon kay Teddy!

Balak ni Teddy Corpuz ng bandang Rocksteddy na payuhan si JK Labajo kung paano maging cool kapag nagpi-perform sa stage sa isang rock concert.

Nakatsikahan namin si Teddy sa presscon ng pelikula niyang Papa Pogi ng Regal Entertainment na ginanap sa Valencia Events Place kamakalawa ng gabi. Doon namin siya hiningan ng opinyon sa ginawang pagmura ni JK sa isang fan na nanood sa nakaraang Rakrakan Festival 2019 na ginanap sa Globe Circuit Makati nung nakaraang linggo.

Sabi ni Teddy, dapat maging mahinahon si JK sa mga ganung pangyayari dahil kailangan irespeto ang mga audience, para respetuhin ka rin.

Nangyayari rin daw sa kanila minsan na nakakantiyawan, pero dapat marunong kang sumakay.

“Kung sa akin gawin yun, tawanan ko na lang. Sabihin ko, ‘Uy, thank you, ano gusto mo ba kakanta pa ako ng kanta niya?” pahayag ni Teddy sa presscon ng Papa Pogi na magsu-showing na sa March 20.

“Sa akin kasi hindi siya cool. Para sa akin, kailangan may respeto pa rin sa iyo ang mga tao, ang you would not gain the respect of other people especially your listeners kung minumura mo sila o pinipeke mo lang sila,” dagdag na pahayag ni Teddy.

Nagkasama raw sila sa isang gig kamakailan lang, at gusto raw sana niyang kausapin para payuhan, pero hindi lang daw nagkaroon ng chance na mag-usap silang dalawa.

“Gusto ko sana siyang kausapin na hinay hinay lang especially sa pagmumura. Kasi pag bata ka, feeling mo cool yung pagmumura. Pag rakista ka, ganyan ka.

“Baka kailangan lang ng guidance ng isang rakista to another rakista.

“Kung may time na ganun, siguro pu­wede ko siyang i-encourage na kung may ganun tawanan mo lang, o may ibang paraan to do that naman siguro,” saad ni Teddy.

Sabi pa nga niya; “Hindi cool ang ra­kistang nagmumura.”   

IBC 13 tututok SA News AND Public Affairs Programs

Isa sa mga bagong programa sa IBC 13 ay ang Tutok 13 na ang maghu-host ay ang dating Kapamilya talent na si Vincent Santos.

Sabi nga, kung may cute na Atom Araullo ang Kapuso network, may Vincent Santos naman ang IBC 13 na tinatawag nilang Kaibigan network.

“Si Atom po ay iniidolo ng lahat na newscaster. Kung umabot po ako sa kalahati niya, masaya na po ako,” napapangiting pahayag ni Vincent.

Itong Tutok 13 ang isa sa mga bagong news prog­ram ng Kaibigan network, na sana suportahan daw ng televiewers dahil pursigido ang mga taga-trese na palakasin ang kanilang network sa pamumuno ng bagong presidente at CEO na si Kat de Castro.

“As of now po, news and public affairs po muna ang gagawin namin because it’s the easiest to produce, definitely,” pakli ni Ms. Kat.

Wala raw muna silang gagawing mga ibang prog­rama, pero ipalalabas nila uli ang mga programang pinasikat ng Trese gaya ng T.O.D.A.S., Sic O’clock News, at iba pang nag-hit na programa nila.

“Ang hindi lang po namin nakukuha is ‘yung Iskul Bukol, kasi, gagamitin daw po uli ng APT ‘yung mate­rials,” sabi pa ni Ms. Kat.

Ang motto ng naturang network ay “Bawal ang Fake News sa IBC.”

Kaya malabo yatang magka-show diyan si Mocha Uson.

 

GLADYS GUEVARRA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with