Philippine Jazz Queen na si Annie Brazil yumao na
Ang aming taos-pusong pakikiramay sa pamilya ng Philippine Jazz Queen na si Annie Brazil na pumanaw sa edad na 85 nung gabi ng March 5, 2019 dahil sa pneumonia at kumplikasyon na may kinalaman sa kanyang pagkaka-stroke nung 2017.
Naiwan ni Tita Annie ang kanyang mga anak na sina Richard Merk, Rachel Ann Wolfe-Spitaletta at ang singer-dancer ng Octo Maneuvres at Quamo na si Ronnel Wolfe. Si Rachel na kamakailan lamang dumating sa Maynila ay naka-base sa New York City with her family.
Ang mga labi ni Tita Annie ay kasalukuyang nakaburol sa Loyola Memorial Chapels in Guadalupe, Makati City.
Tekla sinuwerte nang pakawalan ni Willie
Saan man makarating ang 37-year-old stand-up comedian-turned TV star na si Super Tekla (Romeo Librada in real life) ay tatanawin nitong malaking utang na loob sa game show host-producer na si Willie Revillame dahil ito ang nagbukas ng pintuan sa kanya para mapasok niya ang mundo ng telebisyon nang siya’y gawing bahagi ng daily afternoon game show na Wowowin on GMA.
Atlhough wala na sa nasabing programa si Super Tekla matapos siyang tanggalin ni Willie dahil umano sa bisyo nito, doon siya nagsimulang makilala ng mga manonood.
Sinalo siya ng GMA at isinama sa ilang programa ng TV. Nag-guest din siya sa iba’t ibang programa ng Kapuso Network at na-feature rin ang kanyang buhay sa Magpakailanman ni Mel Tiangco na may pamagat na The Happy and Sad Adventures of Tekla: The Romeo Librado Story in 2016.
Kasunod na rito ang pagbibigay ng GMA ng break kay Tekla kasama si Boobay sa isang digital show, ang Boobay and Tekla Show na inilipat na sa mainstream.
Pero ito’y simula lamang pala ng magaganda pang blessings kay Super Tekla dahil binigyan naman siya ng break sa pelikula ng GMA Pictures (dating GMA Films) sa pamamagitan ng kanyang launching movie na Kambal Karnabal (tentative title) na ginawa na umanong Kiko and Lala at pinamamahalaan ni Adolf Alix, Jr.
May special participation sa nasabing pelikula ang Comedy Queen na si AiAi de las Alas. Kasama rin sa nasabing pelikula sina Derrick Monasterio, Kim Molina, Jo Berry, Divine Tetay, Kiray Celis at iba pa.
- Latest