Batang gitarista sa 'School of Rock' nagnakaw ng gitara, arestado
MANILA, Philippines — Dinakip ng Floria police si Joey Gaydos Jr. matapos mahuling nagnanakaw ng gitara at amplifer sa Floria, USA.
Haharap siya sa apat na felony charges kaugnay ng larceny at grand theft, ayon sa ulat ng TMZ.
Nakilala si Gaydos noong kanyang kabataan matapos gumanap bilang "Zack" sa 2003 hit movie na "School of Rock."
Sa pelikula, siya ang estudyanteng nagsilbing lead guitarist sa bandang itinayo ng komedyanteng si Jack Black sa eskwelahan habang nagkukunwaring guro.
Ito na ang ika-apat na beses na inaresto si Gaydos sa loob ng ng limang linggo.
Ayon sa pulisiya, naging modus na raw ng suspek na mag-testing ng instrumento sa mga music stores at bigla na lamang daw aalis nang hindi nagbabayad.
Dinadala raw ito ni Gaydos sa mga sanglaan.
Ika-7 ng Pebrero sa Troll music store, nakitang tumitipa ng gitara si Gaydos habang naglalakad papalabas ng tindahan.
Inilabas ang video ng kanyang pagnanakaw para ma-alerto ang mga tindahan.
Ika-11 ng Pebrero, nagtungo naman daw siya sa Sarasota Sam Ash music store at agad namukhaan ng mga nagtratrabaho doon.
Ilan lamang sa mga natangay niya ang isang asul na Epiphone Prophecy Les Paul ($800), itim na Fender Stratocaster ($699) at Gibson Les Paul gold top ($1,900).
Hindi nagpasapat sa gitara, kumukuha pa raw ang child actor ng amplifier.
Umamin naman daw si Gaydos at isinisi ito sa problema sa droga pero naghain ng "not guilty plea" pagkadating sa korte para sa mga gitara.
- Latest