^

PSN Showbiz

Luke Perry pinagluluksa!

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon
Luke Perry pinagluluksa!
Luke

SEEN: Massive stroke ang ikinamatay ni Luke Perry noong March 4 (March 5, Tuesday morning, Manila time). Ipinagluluksa sa Hollywood at ng fans ni Luke sa buong mundo ang pagpanaw niya sa edad na 52. Sumikat at naging teen idol si Luke dahil sa kanyang television series na Beverly Hills, 90210.

SCENE: Bumalik na sina Cristine Reyes at Xian Lim sa Pilipinas pagkatapos ng mahigit sa dalawang linggo na pananatili sa Georgia para sa shooting ng Untrue ng Viva Films. Na-miss nang husto ni Cristine ang kanyang anak na si Amarah at nasabik nang todo si Xian sa girlfriend nito na si Kim Chiu.

SEEN: Kahapon ang homecoming parade ni Miss Intercontinental 2019 Karen Gallman sa Ubay, Bohol. Ipinagmamalaki ng Bohol si Gallman dahil sa karangalan na ibinigay nito sa kanilang lalawigan kaya pinagkalooban siya ng Plaque of Appreciation.

SCENE: May kilig na nararamdaman ang viewers ng Onanay ng GMA 7 sa mga romantic scene nina Jo Berry at Wendell Ramos. Si Jo ang love interest ng karakter ni Wendell sa primetime drama series ng Kapuso Network na magwawakas sa March 15, 2019.

SEEN: Si Joyce Ching ang showbiz bestfriend ni Rita Daniella. Sinabi ni Joyce sa presscon ng Dragon Lady na siya ang masaya para kay Rita dahil napansin ang acting ability nito sa My Special Tatay.

SCENE: Marami ang boto kay Miss International 2016 Kylie Verzosa para maging girlfriend ni Jake Cuenca. Naging malapit sa isa’t isa sina Jake at Kylie sa set ng kanilang afternoon television series sa ABS-CBN, ang Los Bastardos.

SEEN: Ginunita kahapon ni AJ Muhlach ang 101st monthsary nila ng kanyang fiancée na si Anna Mabasa. Ang Ulan ng Viva Films ang bagong pelikula ni AJ at first love ni Maya (played by Nadine Lustre) ang role niya.

LUKE PERRY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with