^

PSN Showbiz

Magkapatid na nag-agawan ng mga asawa sa Magpakailanman

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mula pagkabata malapit na malapit sa isa’t isa ang magkapatid na sina May at April. Nangako ang dalawa na magbibigayan at magpapalitan sila sa lahat ng bagay, gaya ng laruan at mga damit. 

Lumaking matalino si April. Lagi siyang nagdadala ng karangalan sa pamilya. Habang lumaki namang pasaway si May. Siya naman ang nag-aakyat ng kahihiyan sa pamilya. Dahil dito, naging paborito ng mga magulang nila si April na kinainggitan ng husto ni May. 

Nang magdalaga na sila, pinagbawalan ng magulang nila na magka­nobyo si May, habang pinayagan naman nilang makipagrelasyon si April. Dahil dito, lalong nagrebelde si May. Inagaw niya ang kasintahan ng kapatid. 

Magmula noon naging malayo at malamig ang relasyon sa isat isa ang magkapatid. 

Naging maybahay si May sa nagtatrabaho niyang asawa na si Glen. Habang si April naman ang siyang nagtatrabaho para sa tamad niyang asawang si Edong. Sa kalagayang ito, laging naiiwan sa bahay at nagkakasama sina May at si Edong. Hanggang naging malapit sila sa isa’t-isa at may namagitan at naging relasyon sila. Lingid kila April at Glen, paulit-ulit pang may nangyayari kila May at Edong. Hanggang isang araw, maagang umuwi si April ay tsaka pa lang niya mahuhuli sa akto na may ginagawa sa kama ang kanyang kapatid at asawa.  

Naiwang problemado at malungkot sina April at Glen.  Naging sandigan nila ang isa’t isa. Hanggang isang ga­bing lasing sila, hindi nila napigilan ang pangungulila at tukso. May nangyari rin sa kanila na nabuking din naman ng kanilang mismong magulang. 

Ang espesyal na handog na ito ng Magpakailanman na pinamagatang Huwag Ate, Huwag Bayaw ay pinagbibidahan nina Kim Rodriguez bilang April, Rodjun Cruz bilang Glen, Ervic Vijandre bilang Edong, Faith Da Silva bilang May, Lovely Rivero bilang Nanay Nita, Mike Lloren bilang Tatay Armando, Rissian Rein bilang Young May, at Kim Belles bilang Young April.

Ang episode na ito ay sa ilalim ng direksyon ni Jorron Monroy, sa panulat ni Vienuel Ello at sa pananaliksik ni Stanley Pabilona. 

MAGPAKAILANMAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->