^

PSN Showbiz

Utol ni Maine hindi kayang banggitin ang pangalan ni Alden!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Utol ni Maine hindi kayang banggitin ang pangalan ni Alden!
Alden

MANILA, Philippines — Napanood ng AlDub fans at solid fans ni Alden Richards ang Ask Questions sa IG Story ng brother ni Maine Mendoza na kung saan, isa sa itinanong sa brother ni Maine ay kung totoong galing kay Alden ang ring na madalas suot ni Maine?

Isa kasi ang singsing sa pinanghahawakan ng ilang AlDub fans na totoo at may relasyon sina Alden at Maine at hindi sila bibitaw sa paniwalang ito hangga’t suot ni Maine ang ring.

Sagot ng kapatid ni Maine, “walang ganu’n” na ibig sabihin, walang singsing na ibinibigay si Alden kay Maine. Pero sa comment ng brother ni Maine na “di na ako magbabanggit ng pangalan” doon nag-react ang fans.

May galit daw ba ang brother ni Maine kay Alden at hindi niya mabanggit ang pangalan ng aktor? O baka ayaw lang ng kapatid ni Maine na magkaroon ng isyu ‘pag binanggit niya ang pangalan ni Alden.

‘Yun nga lang, mas nagka-isyu nang hindi niya banggitin ang pangalan ni Alden.

Ogie feel na feel ang filmfest ambiance sa Portugal

Mabuti at sinunod ni Ogie Alcasid ang payo ng manager niyang si Leo Dominguez na dumalo siya sa 39th Fantasporto Festival Internaciona de Cinema du Porto in Portugal para ma-feel ang ‘filmfest ambience.’ Kabilang kasi ang pelikula ni Ogie na Kuya Wes sa three Filipino films na in competition sa nasabing film festival.

Lumipad pa-Portugal si Ogie last Sunday at may pinost itong picture na nasa airport siya at ang caption ay “Flying out to Portugal for 39th Oporto Film Festival. Please pray for our film Kuya Wes during its screening on Feb. 27.”

Bukas na ang Oporto Film Festival at sa March 13, ang commercial showing ng pelikula na bida si Ogie, directed by James Robin  M. Mayo at produced ng Spring Films. May isang eksena si Ogie na gustung-gusto namin, panoorin n’yo ang Kuya Wes at malalaman n’yo kung aling eksena ‘yun.

Tom may pinagkakaabalahang horror

Hindi lang pala ang Afternoon Prime ng GMA 7 na Dragon Lady ang aabangan ng supporters ni Tom Rodriguez dahil may pelikula rin pala siyang ipalalabas this year. Mauuna lang ang airing ng Afternoon Prime at sa May 1 ang showing ng horror movie na Ma­ledicto.

Pinost na ni Tom ang teaser ng movie na produced ng Fox at directed by Mark Meily. Kasama rin sa cast sina Inah de Belen at Jasmine Curtis. Si Father Xavi ang gagam­panang role ni Tom sa movie.

Big challenge rin kay Tom ang role niya sa Dra­gon Lady bilang ang Chinoy na si Michael Chan na involved sa Chinoy ding gagampanan ni Janine Gutierrez. Maganda ang teaser ng soap na tungkol sa dragon lady, kaya inaabangan na ang airing nito simula sa March 4.

Gab pinalitan si Edgar Allan

Si Gabby Eigenmann pala ang pumalit kay Edgar Allan Guzman sa transgender role sa pelikulang Versus. Nakita namin ang photos ni Gabby na nakaayos at nakadamit babae. In all fairness, maganda siya ha.

Natanong si Gabby sa presscon ng Inagaw na Bituin kung okay lang sa kanya na hindi siya ang first choice sa role ng transgender na si Lea at sagot nito, hindi isyu ‘yun. Ang importante sa kanya, siya ang final choice sa direction ni Ralston Jover.

Madalas gumanap na beki si Gabby, first time niya gumanap na transgender.

Asawa niya sa Versus si Sunshine Dizon na kasama rin niya sa Inagaw na Bituin as his love interest.

Nag-taping na si Gabby sa Inagaw na Bituin, pero hindi pa lumalabas ang karakter niyang si George del Mundo, isang film/concert at music producer.

ALDEN RICHARDS

ALDUB FANS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with