Dating APO tampok sa 50th reunion ng Ateneo High School ‘69
Tampok sa malaking pagdiriwang ng Ateneo High School Class ’69 ang mga dating miyembro ng APO na sina Jim Paredes at Boboy Garovillo na gaganapin sa Marso 9 sa Mariano Singson Hall ng Ateneo High School.
Sila Jim at Boboy ay mga bahagi ng Class ’69 at maghahandog ng 45 minutong pagganap sa gabing iyon.
Bukod sa mga APO, gaganap din sina Joey Buhain, the Flintstones at Mixed Emotions.
Sa 242 na nagtapos nung 1969, mga 160 ang dadalo mula dito at sa ibang bansa. 37 ang pumanaw na.
Sisimulan ang mga aktibidad sa Marso 5 sa Batangas at Marso 7 sa Pampanga at magtatapos na aktibidad sa Marso 9 sa Ateneo na magsisimula ng 4:30 ng hapon.
Para dun sa hindi pa nakapagrehistro, paki tawagan o itext si Joane Balarbar sa +63 945 502 8592.
- Latest