^

PSN Showbiz

Namayapang indie actor ‘hindi pa sure kung maililibing, tulong ni coco hinihintay pa

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Namayapang indie actor ‘hindi pa sure  kung maililibing, tulong ni coco hinihintay pa

May utang pa sa hospital!

Nakakaawa ang kalagayan ngayon ng namayapang indie actor na si Kristofer King dahil hindi pa pala nila matitiyak kung maililibing ito sa March 3, dahil hindi pa iniri-release ng hospital ang death certificate nito.

“Naka-hold pa po yun eh. Hindi ko pa nababayaran…80,000 pesos po yun,” malungkot na pahayag ng dating asawa ni Kristofer na si Nikki.

Iyun daw ang bill nila sa hospital, na hindi pa raw nila nabayaran.

Nagawan daw nila ng paraan ang burol sa Rizal Funeral Homes sa Libertad, Pasay, pero utang daw lahat iyun.

Utang daw ang kabaong na 55 thousand pesos, ang mga bulaklak na 7 thousand pesos, at ang 4 thousand bawat gabi na rental sa chapel.

Kaya malaki-laki rin ang kailangan para mabigyan ng maayos na libing si Kristofer.

Ang inaasahan na lang nila ngayon ay ang tulong ng mga kaibigan.

Inaasahan din ang tulong mula kay Coco Martin. Naiparating na nila sa Kapamilya Primetime King ang kailangan para kay Kristofer, pero wala pa raw naiparating na tulong sa kanila.

Inaasahan naman ng lahat na magpapadala ng tulong si Coco dahil nung nasa hospital pa lang si Kristofer ay nagtanong na raw ito kung saan ito in-admit na hospital.

Nag-post na rin siya sa kanyang Instagram account ng pagkalungkot sa pagpanaw ng kaibigan at dating kasamahan sa trabaho.

Baka maawa pa siya sa limang anak na naiwan ni Kristofer at tutulungan pa niya ito.

Hindi pala tatlo, kundi dalawang anak na lalaki ni Kristofer ang may Hunter Syndrome. Nakakaawa nga dahil yung panganay niyang anak na 18 years old ay hindi pa rin lumalaki dahil sa Hunter Syndrome.

Ang tatlo niyang anak ay babae, at sa ngayon ay hindi pa maisip ng ina nilang si Nikki kung paano niya bubuhayin ang lima nilang anak.

Nakakalungkot man, pero sana marami ang maawa at magbigay ng tulong sa pamil­yang naiwan ni Kristofer King.

Catriona nagpasiklab uli ng lava walk!

Suportado ng mga Kapamilya artists at dating beauty queens ang show na Raise Your Flag For Catriona Gray na ginanap sa Araneta Coliseum nung nakaraang Linggo, February 24.

Nakakatuwa rin ang suporta ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na nakikita namang proud na proud para kay Catriona.

Ang lakas nang sigawan nang muling inirampa ni Catriona ang kanyang red magma-inspired gown, at nagpasiklab ng lava walk.

Hindi rin nagpahuli sa rampahan si Maymay Entrata, kasama ang mga beauty queens na sina Samantha Bernardo, Vickie Rushton, Michelle Gumabao, Jehza Huelar, Angelica Alita, Venus Raj, Shamcey Supsup, Ariella Arida, MJ Lastimosa, Maxine Medina at Rachel Peters.

Pinu-promote roon ang local fabrics, kaya sabi ng Miss Universe 2018:

“Mga kababayan, Filipino designers and Filipino beauty queens, what a winning combination!

“Thank you from the bottom of my heart po!

“But the most beautiful moment would not happen without the love, commitment and compassion of a woman who is the driving force behind the Binibining Pilipinas Charities, Inc.

“For me and for all the queens on the stage, and for all the queens of Binibining Pilipinas, she is our one and only mother and queen-maker.

“Words are not enough to express our gratitude to her, and our love and support for her will remain solid forever.

“Please join us here on stage, the one and only Madam Stella Marquez-Araneta!”

Kaya winner sa lahat si Madam Stella dahil nasa kanya pa rin ang Miss Universe, pero ewan ko lang sa 2020.

Mapapanood ang masayang show na ito sa special ng ABS-CBN sa March 10, Linggo ng gabi.

Bayani may planong Partylist para sa mga taga-pelikula

Ang pagtulong sa maliliit na tao sa movie industry ang isa nga sa napag-usapan namin ni Bayani Agbayani nang nakatsikahan namin ito sa promo ng pelikula niyang Pansamantagal na magsu-showing na sa March 20.

“Itong United Artist of the Philippines, hindi lang to para sa mga artista, para to dun sa mga maliliit na tao, kasi artists na rin yun eh dahil kasama naman sila sa pagbuo ng pelikula.

“Pero dapat ibibigay yan sa mga taong nangangailangan, huwag natin nanakawin,” saad ni Bayani na bida ng pelikulang Pansamantagal kasama si Gelli de Belen.

Wala raw balak si Bayani na pasukin ang pulitika, pero may naisip daw siyang partylist na baka puwedeng tanggapin ng Comelec sa mga susunod na eleksyon.

“Meron akong naisip ‘Yung United Artist of th e Philippines. Kasi kung ako, sasakupin ko lahat. Yung nagbabantay ng portalet, yung caretaker ng ilaw, caretaker ng camera, para sa akin kasama sa artists yun.

“Yung security, yung marshalls sa shooting sa studio, para sa akin artists lahat yun. Kasi, kung saan meron ako nakikita na nagbabantay ng portalet, may goiter, walang pampaopera.

“Naisip ko, may pondo naman mga partylist eh. Dapat binibigyan sila,” pahayag ni Bayani.

Puwede naman daw merong uupo at sila ang mag-represent ng naturang partylist na nais makatulong sa mga nagtatrabaho sa pelikula at TV.

“Ako sumusumpa ako hanggang ngayon, hanggang sa mamatay ako, hindi ako gagastos ng pera ng bayan. Hindi ko ipapakain sa anak ko yan. Kaya siguro, kaya hindi ako pumapasok sa politics eh.

“Kaya ako panindigan ko ang sarili ko, pag matuloy ‘tong proyekto ko, tong partylist, maraming makikinabang na nagtatrabaho sa pelikula, nagtatrabaho sa TV kasi nakita ko…kahit mga komedyante, mga dating artista na namatay na lang walang bahay.

COCO MARTIN

KRISTOFER KING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with