Oscars sa social media lang sinubaybayan!
SEEN: May bagong miyembro ang pamilya nina Alma Moreno at Joey Marquez dahil ikinasal noong Linggo ang kanilang panganay na anak na si Yeoj Marquez kay Louise Anne Ferenal. Nagpapayat si Yeoj para sa wedding day nila ni LA.
SCENE: Magkakaroon ng mga bagong karakter sa FPJ’s Ang Probinsyano ng ABS-CBN dahil mawawala na ang mga karakter na ginagampanan nina Carmi Martin, Eddie Garcia, Jhong Hilario at Edu Manzano.
SEEN: Tulad ng mga nakaraan na taon, matamlay ang paggunita kahapon sa 33rd anniversary ng EDSA Revolution dahil hindi na ito binibigyan ng pagpapahalaga ng karamihan sa mga Pilipino. Sina Nora Aunor at Gary Valenciano ang ilan sa mga artista na lumahok sa EDSA Revolution noong February 25, 1986.
SCENE: Napaiyak si Catriona Gray sa surprise appearance ng kanyang mga magulang sa homecoming show niya. Nabigla si Catriona dahil sa pagkakaalam nito nasa Canada ang nanay at tatay niya.
SEEN: Disappointed ang Filipino fans ng Oscar Awards dahil hindi ipinalabas sa Pilipinas ang 91st Academy Awards na ginanap noong Linggo (Monday morning Philippine time) sa Dolby Theatre, Los Angeles California. Sinubaybayan na lamang nila sa social media ang mga kaganapan sa 91st Oscar Awards.
SCENE: Ang Green Picture ang best picture ng 91st Oscar Awards, best director si Alfonso Cuaron (Roma), best actress si Olivia Colman (The Favourite), best actor si Rami Malek (Bohemian Rhapsody), best supporting actress si Regina King (If Beale Street Could Talk) at best supporting actor si Mahershala Ali (Green Book).
SEEN: Nakatakda sa July 7, 2019 ang grand coronation ng Bb. Pilipinas sa Smart Araneta Coliseum. Ang ABS-CBN ang official network ng 56th edition ng Bb.Pilipinas.
SCENE: Umalis agad si Carlo Aquino sa presscon ng Ulan noong Sabado dahil may prior commitment siya. Ang bagyo ang klase ng ulan sa relasyon ng mga karakter na ginampanan nina Carlo at Nadine Lustre sa love story movie ng direktor na si Irene Villamor.
- Latest