^

PSN Showbiz

Crowd favorite sa Miss Q &A, kinapos sa sagot iba ang nanalo

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Crowd favorite sa Miss Q &A, kinapos sa sagot iba ang nanalo
Chad

Marami ang na-dis­appoint nang matalo at ma­ging 2nd runner-up lamang ang crowd favorite ng segment ng It’s Showtime na Miss Q & A na si Chad Kinis pero, tanggap ng mga supporter niya, at sana siya rin, na tala­gang pinakamaganda ang ibinigay na talak ng big winner na si Mitch Montecarlo Suansene at maging ng first runner-up na si Czedy Rodriguez. Nakadagdag pa si­guro sa good karma ni Miss Q&A 2019 ang pangyayaring malaking bahagi ng premyo niya ay ibabahagi niya sa maraming biktima ng malaking sunog na puminsala sa kanilang lugar sa Bataan. 

Ronnie at LT, sasamahan si Coco

Ayaw papigil ng FPJ’s Ang Probinsyano. Talagang matatagalan pa ang pag-ere nito. Makakasama pa sa serye ang nagbabalik na si Ronnie Ri­cketts, at pati na rin si Lorna Tolentino ay mapapa­nood na rin kasama si Coco Martin.

Kung excited si Ronnie na mapanood sa napakahabang serye ng ABS-CBN, dahil makakatulong  ang programa para mai-promote niya ang comeback film niyang Exit Point, ganun din si LT dahil naging anak niya si Coco sa isang serye na ginawa niya sa Kapamilya.

Daniel hinihintay tulungan si Karla

Sana hindi paandarin ni Karla Estrada ang kanyang amor propio at imbitahan si Daniel Padilla sa preem night ng movie nila ni Jobert Austria na Familia Blondina. Makakatulong ng malaki ang anak niya para ma­pa­lakas ang movie niya. Siguradong kahit ang ba­kas­yon nito sa Aman­pulo ay magagawa nitong iwan sumandali para ma­­­­su­­port­ahan ang nanay niya, he has all the means. Sana rin makatulong ang bakasyon nila ni Kathryn Bernardo, yes magkasama sila sa Amanpulo, para maayos nila, kung anumang gusot meron sila.

Nadine at Empress maraming nakuhang plus sa ‘live in set up’

Hindi lamang naman si Nadine Lustre ang masaya sa live in arrangement nila ni James Reid. Ilang taon na rin naman sila sa ganitong sitwasyon pero, mas maraming plus kaysa minus ang nakukuha nilang benepisyo. Mas nakilala nila ang isa’t isa at ‘di nakaranas ng ‘di pagkakaunawaan kahit minsan. 

Wala ring ganitong problema si Empress Schuck na three years nang ka-live si Vin Guingona. May anak na sila pero, once a month lang silang magkita kapag umuuwi ito ng Maynila dahil sa probinsya ito naka-based.

CHAD KINIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with