K-Drama na Scarlet Heart kakaiba ang story
Ngayon ko lang napanood ang Scarlet Heart at talagang na in love ako dahil ang ganda ng love story.
Hindi ko lang ma-comprehend ang part na kailangan ng bidang lalake na pakasalan ang kanyang kapatid para hindi siya maalis sa trono bilang hari.
Ano ‘yon? Parang aso na puwede magkaanak kahit magkapatid? Totoo ba ‘yon?
Hindi ko ma-imagine na ginagawa ‘yon ng royalty ng Korea noong unang panahon ha! Kaloka.
Cry pa naman ako sa love story ng hari at ng court lady na si Hae Soo dahil against all odds, against all rule ang drama ng hari hanggang takutin siya at papiliin, either the throne or your heart, bongga di ba?
Engrossed ako sa panonood ng Scarlet Heart dahil kamukha ni Ji So ang gumanap na brother ng king, si Nam Jo Hyuk.
Pero kakaiba nga ang twist ng kuwento dahil sa kagustuhan nila na maging hari, nagpapatayan ang magkapatid, nagpa-power tripping at ‘yun nga, pakasal ka kahit sa kapatid mo.
One week din na addict ako sa Scarlet Heart. Hindi ko talaga maintindihan ang part na puwede pala na maging mag-asawa ang magkadugo at ayoko ng part na ‘yon.
Gretchen inalaagan si Claudine nang ma-hospital
Nakakatuwa rin ang balita na magkasundo na ang magkapatid na Gretchen at Claudine Barretto.
Nag-post si Claudine sa kanyang Instagram account na naka-confine siya sa ospital at si Gretchen ang nag-aalaga sa kanya.
Si Claudine ang bunso sa Barretto siblings kaya love na love siya ni Gretchen, kahit nagkakaroon sila ng mga tampuhan na normal na nangyayari sa magkakapatid.
Siyempre, marami ang natuwa sa reconciliation nina Gretchen at Claudine. Hoping ang fans nila na tuloy-tuloy na ang kanilang magandang relasyon.
Kambal nina Mar at Korina Pinoy na Pinoy ang pangalan kahit mga American citizen
Ang cute naman ng Pepe at Pilar na pangalan ng kambal na anak nina Korina Sanchez at Mar Roxas.
Naalala ko tuloy ang shooting sa Amerika ng Pepe En Pilar dahil kasama ako sa entourage ng Regal Films, ang produ ng romance comedy movie na pinagbidahan nina Maricel Soriano at Gabby Concepcion noong 1983.
Masaya ang shooting ng Pepe En Pilar dahil enjoy kasama si Mother Lily Monteverde at ang staff ng Regal Films.
Isinilang sa Amerika ang kambal na anak nina Mama Koring at Mar kaya mga US citizen sila. So happy ang mag-asawa dahil natupad ang kanilang dream na magkaroon ng mga anak na boy and girl. Qouta na agad ang mag-dyowa dahil dalawa agad ang mga anak nila na nagpapasaya sa kanila.
I’m sure, nasa cloud nine ang pakiramdam ni Mama Koring dahil may mga nagsasabing kamukha niya si Pilar at hawig naman ni Mar si Pepe.
Sa true lang, nicknames lang ang Pepe at Pilar dahil may kahabaan ang mga pangalan ng mga bagets na inaabangan na ang pag-uwi sa Pilipinas.
Marami naman ang mga nagtataka dahil hindi raw nila nakita na nagbuntis si Mama Koring kaya paano ito nagkaroon ng mga anak. Hay naku, please lang, mag-search kayo sa Google, huwag pairalin ang pagiging ignorante. Sa panahon ngayon, posible na ang maraming bagay na imposible.
- Latest