^

PSN Showbiz

Sosyalerang personalidad milyonan kung tulungan ang pamilyang hindi masyadong kasundo!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Hindi naman pala hanggang sa social media lang ang kagandahan ng puso ng isang pamosong female personality. Paboloso kasi siya sa pagbibigay ng mga regalo sa social media, mga branded stuff pa nga ang mga ipinamimigay niya, may mga nagsasabing bait-baitan lang ang aktres.

Pero kinontra ‘yun ng isang source na maraming alam tungkol sa mga ginagawa ng female persona­lity para sa kanyang pamilya. Todo naman pala kung tumulong siya.

“Hindi lang niya ipinagmamakaingay ang mga ginagawa niya para sa family niya, pero kung hindi pagiging generous ang maitatawag natin du’n, e, ano?

“May isang kapatid siyang kailangang ipa-rehab, kakontra pa niya ‘yun, ha? Pero siya ang gumastos, milyunan ang kailangan, pero hindi siya nagreklamo, ‘yun ang naging dahilan ng pagkakasundo nila.

“Nagkaproblema rin sa pera ang isang kapatid niya, siya ang sumalo sa lahat-lahat, wala nang bayaran ‘yun! Basta nalalaman niya ang sitwasyon, agad na siyang nagkukusang tumulong, sa totoo lang!” umpisang kuwento ng aming impormante.

Hindi naman sa lahat ng panahon ay meron ang kanyang mga kapatid na nag-aartista, siyempre’y may mga pagkakataong sumasayad din ang kabuhayan showcase ng mga sisters niya, ang aktres na naman ang to the rescue.

“Nalaman niya na hirap sa buhay ang isang kapatid niya, wala kasing trabaho, may mga pinag-aaral pa namang mga anak. Kinausap niya ang isang pinsan nila, pinadalhan niya ng datung ang kapatid niya, milyunan ang halaga at hindi basta barya-barya lang, ha?

“Ganu’n din ang ginawa niya sa isa pa niyang utol na nahihirapan din, wala na pala kasing sustento sa kanila ang isang nakarelasyon niyang pulitikong wala na sa puwesto.

“Walang nakakaalam nu’n kundi sila-sila lang, hindi nag-iingay ang pilantropo palang aktres, ang nagsasabi pa nga, e, ang mga tinutulungan niya,” komento uli ng aming source.

Ang inaabangan ng marami ngayon ay kung kailan siya makikipagkita sa gitna sa kanyang mga magulang, ‘yun na lang kasi ang kulang, para makumpleto ang kaligayahan ng aktres.

Sabi ng aming source, “Siguradong malapit na ‘yun, humahanap na lang siguro siya ng magandang tiyempo. Pero lumalamig na ang gap nila, kaya isang araw, e, ang parents niya naman ang pupuntahan niya,” nakangiting huling komento ng aming source.

Ubos!

Mga dokumento ng kambal nina Mar at Korina, inaayos pa bago maiuwi ng Manila

Pinoy na Pinoy ang mga pangalan ng kambal na anak nina dating Senador Mar Roxas at Korina Sanchez. Pero siguro’y palayaw lang ng magkapatid ang Pepe at Pilar. May ihinahanda na silang tunay na pangalan ng mga sanggol na kung ituring ni Ate Koring ay himala ng langit.

Habang nasa Pennsylvania pa ang mag-asawa ay sila mismo ang nag-aalaga sa kanilang mga anak sa nursery. Du’n ipinanganak ang kambal ng isang surrogate mother.

Kamukha ni Ate Koring ang anak niyang babae, samantalang ang lalaki naman na kung tawagin niya’y munting prinsipe ay pagkatangos-tangos ng ilong, guwapo!

Kami na ang nagsasabi na napakasuwerte ng dalawang munting anghel na ito dahil ang kanilang mga magulang ay sina Kuyang Mar at Ate Koring. Sigurado na ang kinabukasan ng kambal.

Sobrang magmahal sa kanyang mga pamang­kin si Korina, siya ang sumasagot sa mga pangangailangan ng mga anak ng kanyang mga kapatid, pinag-aaral pa niya ang mga ito ng ballet, may piano lessons pa, may pamangkin din siyang magaling mag-violin.

Kung sa kanyang mga pamangkin ay ganu’n na ang magaling na newscaster, paano pa sa kanyang mga sariling anak, siguradong mahigit pa sa isandaang porsiyento ng pag-aalaga at pagmamahal ang maibibigay niya kina Pepe at Pilar.

May mga inaayos pang dokumento ang mag-asawa bago nila maiuwi ang kanilang kambal, pero ayon sa aming source ay mas mauuna nang umuwi si Kuyang Mar, dahil sa kasagsagan ng kampanya nito para muling makabalik sa Senado.

“Maganda ang bawat gising ni Korina kahit pa napupuyat sila ni Mar sa pag-aalaga sa mga anak nila. Aba naman, sino nga ba ang mag-aakala na sa kabila ng age nila ngayon, e, magkakaroon pa pala sila ng mga anak. At kambal pa?” kuwento ng aming source.

Tunay na regalo ng langit ang pagdating sa kanilang buhay nina Pepe at Pilar. Mga sanggol na nanatili nang siyam na buwan sa sinapupunan ng ibang babae pero ang punla ay mula pa rin kina Kuyang Mar at Ate Koring.

vuukle comment

MAR ROXAS AND KORINA SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with