^

PSN Showbiz

Catriona Gray tutol ibaba ang age of criminal responsibility

James Relativo - Philstar.com
Catriona Gray tutol ibaba ang age of criminal responsibility
Pagkaway ni Catriona Gray sa mga tagahanga sa kanyang pagdating sa press conference noong ika-20 ng Pebrero 2019.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Imbis na ibaba ang edad ng criminal responsibility, nanawagan si Miss Universe Catriona Gray na tugunan ang mga kadahilanan kung bakit gumagawa ng krimen ang mga menor de edad.

Isang advocate ng karapatang pambata, sinabi niya na madalas naitutulak ng mga sitwasyong panlabas ang mga bata para lumabag sa batas. 

"I worked a lot with children, and anyone knows that children are not disposed to do that kind of act...or to act that way. It's probably the circumstance of their environment or external pressures – whether it be from people or circumstance [that push children to commit crime]," sabi ng Fil-Australian beauty queen sa panayam ng News5 noong Miyerkules.

(Nakatrabaho ko ang maraming bata, at alam naman ng lahat na hindi natural para sa kanilang gawin 'yon... o umakto nang ganoon. Siguro dahil na rin sa sirkumstansya ng kanilang kapaligiran o panggigipit na eksternal – mula sa mga tao o sirkumstansya na nagtutulak sa mga batang gumawa ng krimen.)

Inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang pagbababa ng criminal responsibity mula 15 pababa ng 12 noong ika-28 ng Enero.

Ayon sa human rights group na Karapatan, kadalasa'y kahirapan at kawalan ng opurtunidad ang "main drivers" ng krimen pagdating sa mga bata.

Pagnanakaw at mga krimen raw laban sa ari-arian ang ginagawa ng 45 porsyento ng child offenders habang 65 porsyento sa kanila ay mula sa mga mahihirap na pamilya.

Paglilinaw ng beauty queen, hindi likas para sa mga paslit na gumawa ng masama.

"'Cause children, they have so much potential. And their hearts are so pure. It's just that sometimes there [are] circumstances that bears down on them or the people or what they are faced with bears down on them," dagdag ni Catriona.

(Dahil ang mga bata, marami silang potensyal. At malinis ang puso nila. Minsan nga lang, may mga sitwasyon o taong bumabagahe sa kanila.)

Kung makukulong at tatawaging kriminal, sinabi ni Catriona na mahihirapan silang makabalik sa lipunan dahil sa stigmang maikakabit sa kanila.

"Because once you label a child such...as a child in conflict with the law, how will you bring them up to see themselves or the community to see them?"

(Dahil kapag tinawag mo na silang ganoon, na batang lumabag sa batas, paano mo pa sila palalakihin para makita ang sarili nila o para makita sila ng komunidad?)

Payo ni Catriona, ibaling ang atensyon sa kung bakit nila ito ginagawa kaysa mas pagtuunan ng pansin ang pagpaparusa sa musmos.

“I really feel that it’s important for us to readjust our focus as to why these children [are] committing those crimes... As a nation, I think we should focus on eradicating these external pressures,” paliwanag niya.

(Tingin ko importante na ituon natin ang pansin sa kung bakit sila gumagawa ng krimen. Bilang bansa, kailangan nating tapusin ang mga panlabas nilang kagipitan.)

 "How can we do that? We can do that by doing a study or seeing the children and asking them or accessing that community, educating that community – the parents of the children. And I feel that would be a better long-term solution."

(Paano natin gagawin 'yon? Maaari tayong gumawa ng pag-aaral o puntahan ang mga bata at tanungin sila o puntahan ang komunidad na 'yon, turuan ang komunidad – ang magulang ng mga bata. Sa tingin ko mas pangmatagalang solusyon 'yon.)

Una nang umani ng batikos mula kina Anne Curtis at Miss Intercontinental 2018 Karen Gallman ang panukala at sinabing masyado pang bata ang 12 taong gulang.

Reaksyon ng Palasyo

Samantala, nagsalita na ang Malacañang Palace hinggil sa pahayag ng Miss Universe.

Pagpapaliwanag ni presidential spokesperson Salvador Panelo, kasama sa pagsugpo ng mismong problema ang pagpapababa ng edad ng mapaparusahan sa batas.

"Kasi that is the problem -- the minor is involved in crimes. So, batas, nakalagay doon yung rehabilitation. Ang focus noon, rehabilitation eh. So you are solving precisely the problem why this people are engaged with crimes," ani Panelo.

Bagama't sang-ayon sa pagpapababa ng minimum age of criminal responsibility, walang tinutukoy si Pangulong Rodrigo Duterte na espisipikong edad kung saan ito ibababa.

CATRIONA GRAY

MINIMUM AGE OF CRIMINAL RESPONSIBILITY

MISS UNIVERSE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with