Kiray nabiktima ng ‘karahasan’
Bongga si Kiray, nagti-trending sa Twitter kahapon.
Nag-guest kasi ito sa Wish Ko Lang at in all fairness, pinuri ang husay niya sa pagganap.
Ang Wish Ko lang ang kauna-unahang drama project niya since lumayas sa ABS-CBN at maging Kapuso.
Tungkol ito sa babaeng biktima ng karahasan at tatlong beses na-rape.
Napuri ang acting ni Kiray.
Bukod sa Wish Ko Lang, mapapanood din si Kiray sa Daig Kayo ng Lola Ko.
Wow, at least tama rin ang decision ni Kiray na mag-iba naman ng career path.
Sa GMA, nabibigyan siya ng ibang exposure at hindi lang puro alalay ng bida ng isang palabas sa TV or pelikula.
- Latest