Gretchen at Tony Boy nag-celebrate ng silver anniversary!
SEEN: Ipinagdiwang ni Gretchen Barretto at ng kanyang longtime partner na si Tonyboy Cojuangco noong Linggo, February 3, 2019, ang ika-25 taon ng kanilang pagsasama, isang testimonya ng matatag na relasyon ng dalawa at “sampal” sa mga paulit-ulit na nagsasabi na “other woman” lang ang kontrobersyal na aktres.
SCENE: Tumanggap si Kylie Celebre ng parangal mula sa The Skin Bureau dahil sa mga kontribusyon niya sa women empowerment. Si Kylie ang transgender woman sibling ni Gabby Eigenmann na biktima ng discrimination pero hindi siya nagpatalo sa mga pagsubok na pinagdaanan at nararanasan niya. Si Jeffrey Geronimo, ang CEO at founder ng The Skin Bureau ang may idea na bigyan ng parangal si Kylie Celebre na minsan nang lumabas sa isang indie movie.
SCENE: Si senatoriable at Special Assistant to the President Bong Go ang guest ni Vice Ganda sa Gandang Gabi Vice noong Linggo, February 3 at hindi ito ang huling television appearance niya dahil mapapanood sa Sabado, February 9, ang kanyang life story sa Maalaala Mo Kaya. Si Joseph Marco ang gumanap na Bong Go.
SEEN: Si Phillip Salvador ang nagbigay-buhay sa katauhan ni President Rodrigo Duterte sa Bong Go Story ng MMK. Si Efren Reyes, Jr. ang gumanap na Duterte sa Bato: The Gen. Ronald dela Rosa Story.
SCENE: Ang funny anecdote ni Edu Manzano tungkol sa kanyang former gardener na nagbigay ng pangalan na Shaun sa pet dog niya. Nang itanong ni Edu sa gardener kung saan nito kinuha ang pangalan na Shaun, sumagot ang hardinero ng “Sir, mula sa Dalmatian.”
SCENE: Sina Jodi Sta. Maria at Marvin Agustin ang mga bida sa horror movie na Second Coming ng Reality Entertainment. Mapapanood sa mga sinehan simula sa February 27 ang Second Coming.
SEEN: Hindi makapaniwala ang This Band na umabot sa 22.6 million streams ang kanilang hit song na Kahit Ayaw Mo Na na ginamit na pamagat sa isang pelikula. May exclusive contract sa Viva Records ang This Band na popular na popular sa millennials.
- Latest