^

PSN Showbiz

Pepe Smith nailibing na

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Pepe Smith nailibing na
Pepe Smith

SCENE: May special participation sina Jasmine Curtis Smith, Benjamin Alves at Gil Cuerva sa Sahaya na may tentative airing date sa March 2019. Supporting cast sa Sahaya sina Jean Garcia, Eric Quizon at Zoren Legaspi.

SEEN: Nakaburol sa Funeraria Paz, Sucat, Pa­rañaque City hanggang sa February 7 si Elizabeth Cruz, ang nanay nina Rodjun at Rayver Cruz na binawian ng buhay noong February 2, 2019. Pancreatic cancer ang sanhi ng kamatayan ng ina ng magkapatid.

SCENE: Ang balita na judges ng Search for the Idol Philippines sina Regine Velasquez, Martin Nievera, Jona at KZ Tandingan. Ang ABS-CBN ang may-hawak ng franchise ng Idol Phi­lippines na hinawakan dati ng TV5 Philippine Idol at GMA-7 Pinoy Idol.

SEEN: Magwawakas sa February 15, 2019 ang Cain at Abel, ang action drama primetime television series nina Dingdong Dantes at Dennis Trillo. Magsisimula sa February 18 ang Kara Mia, ang kapalit na programa ng Cain at Abel.

SCENE: Nag-celebrate ng 7th month anniversary noong nakaraang linggo si Louise delos Reyes at ang kanyang boyfriend na si Jino. Hindi nawawala ang kilig ni Louise sa boyfriend na mahal na mahal niya. Si Louise ang leading lady ni Xian Lim sa Hanggang Kailan, ang pelikula nila na ipalalabas sa mga sinehan sa February 6, 2019.

SEEN: Hindi na matutuloy sa February 2019 ang cinema playdate ng Sons of Nanay Sabel dahil ito na ang Mother’s Day presentation ng Viva Films. Si AiAi Delas Alas at ang Ex Battalion ang mga bida ng Sons of Nanay Sabel. Ginugunita ang Araw ng Mga Ina tuwing ikalawang Linggo ng buwan ng Mayo.

SCENE: Ang tribute kahapon ng ASAP Natin ‘To kay Joey ‘Pepe’ Smith, ang Filipino rock icon na sumakabilang-buhay noong January 28, 2019. Sanya ang pangalan ng anak ni Pepe sa kapatid ni Robin Padilla na si Rebecca.

SEEN: Inihatid kahapon, February 3, si Pepe Smith sa kanyang huling hantungan sa Loyola Memorial Park, Sucat, Parañaque City.

PEPE SMITH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with