^

PSN Showbiz

Star Magic artists nagpasiklaban sa sportsfest

Pilipino Star Ngayon
Star Magic artists nagpasiklaban sa sportsfest

MANILA, Philippines — Exciting ang naging tema ng sportsfest ng Star Magic ngayong taon sa partnership pa rin with Sun Life Financial na ginanap sa Camp Aguinaldo last January 27. Nahati sa apat na grupo ang Harry Potter-inspired teams na Red, Black, Green and Blue with four different sports tulad ng basketball, volleyball, badminton at iba pang fun games.

Nagsimula ang sportsfest with the parade ng participating teams kasama ang kanilang naggagan­dahang mga muse na sina Yasmyne Suarez, Ysabel Ortega, Vivoree Esclito, Julia Barretto, Ritz Azul at Kisses Delavin.

Sinundan ito ng opening program na pinangunahan ng SunPiology’s official face na si Piolo Pascual.

Buong umagang nag-enjoy ang mga kasama sa game at ang GryffinRed team ang nagwagi bilang over-all champion na sinundan ng team SlytheGreen and BlackPuffs, as the first and second runners up, respectively.

Ang Team GryffinRed na pinamunuan ni Ejay Falcon among others, ang nagwagi sa basketball ca­tegory. First runner up naman ang Team RavenBlue nina Jairus Aquino at Bugoy Cariño. Ang SlytheGreen naman na binubuo nina Diether Ocam­po, RK Bagatsing, Elmo Magalona, Turs Daza, Grae Fernandez at McCoy de Leon, ang nasa second runner up spot.

Sina Ejay Falcon, Patrick Sugui, Anjo Damiles at Bugoy Cariño ang napili para bumuo ng Mythical 5, habang ang newbie na si Raven Molina ang siyang Rookie of the Year.

Star Magic Dream Team’s captain Gerald Anderson took home the Most Valuable Player award after leading their team to a victory against Sun Life Financial’s team with the final score of 105-99.

Ang Dream Team ay binubuo nina Ronnie Alonte, Jimboy Martin, Jose Sarasola, Luis Hontiveros, Joe Vargas, Miko Raval, Kyle Velino, at Axel Torres. Kapansin-pansin na talaga namang sineryoso ng mga manlalaro ang naging team nila.

Sa badminton games naman, second place ang mag-amang Piolo at Inigo Pascual ng Black team while PJ Endrinal and Dominic Roque from the Blue team bested everyone in the men’s doubles category.

Sobrang exciting din ang naging badminton game na ang Green team nina Julia Barretto, Vivoree Esclito, Ashley Colet, Dionne Monsanto, Magui Planas and Chokoleit, among ­others, ang siyang nag-champion.

STAR MAGIC

SUN LIFE FINANCIAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with