Michael Pacquiao, at GF na foreigner laging magkabuntot
Kung ang panganay na anak ng mag-asawang Sen. Manny at Jinkee Pacquiao na si Emmanuel `Jimuel’ Pacquiao, Jr. ay na-link noon sa ex-PBB teen housemate-turned Kapamilya young actress na si Heaven Peralejo, hindi naman nagpapahuli ang second son ng mag-asawa na si Michael Pacquiao dahil regular figure na ang girlfriend nitong Fil-Malaysian na si Yazmin Aziz na naka-base sa Kuala Lumpur.
Si Yazmin na isang singer ay regular figure na sa pamilya Pacquiao at maging sa mga laban mismo ng boxing hero, isang indikasyon na tanggap na ito ng mag-asawang Sen. Manny at Jinkee.
Samantala, kung open ang relasyon nina Michael at Yazmin, may pagka-secretive naman si Jimuel pagdating sa kanyang lovelife.
Nakuha na rin finally ni Jimuel ang basbas ng kanyang ama na pasukin na rin ang pagbo-boxing.
Sina Sen. Manny at Jinkee ay may limang anak – sina Jimuel, Michael, Mary Divine Grace, Queen Elizabeth at Israel.
Janine hindi pa handang makita uli si Elmo
Nananatiling “what you see is what you get” ang sagot ni Janine Gutierrez sa tuwing tinatanong sa kanya ang kanyang rumored boyfriend na si Rayver Cruz na madalas niyang nakakasama sa maraming okasyon at bakasyon ng kanyang pamilya sa US at sa Hong Kong nung isang taon.
Si Janine ay mag-isang nakatira sa kanyang biniling condo unit habang ang kanyang amang si Monching at mga nakababatang kapatid ay nakatira sa kanilang bahay sa Fairview, Quezon City. Ang kanyang ina namang si Lotlot de Leon at second husband nitong Lebanese na si Fadi El Soury ay sa Parañaque nakatira.
At 29, pareho nang puwedeng lumagay sa tahimik sina Janine at Rayver pero wala pa umano sa kanilang immediate plans ang pag-aasawa dahil pareho pa silang may sariling mga pangarap for their respective families at sa kanilang mga sarili na gusto muna nilang matupad.
Although wala pang chance na magkatrabaho sina Janine at Rayver sa isang teleserye o pelikula, looking forward si Janine na ito’y mangyari balang araw.
Samantala, tahasan namang inamin ni Janine na hindi pa umano siya ready na makatrabahong muli ang kanyang ex-boyfriend na isa nang Kapamilya nga yon na si Elmo Magalona.
Still on Janine, inamin din nito na isa na ngayon ang kanyang leading man sa Elise na si Enchong Dee sa kanyang mga close na kaibigan sa showbiz na nagkataong close friend din ni Rayver.
Ayon kay Janine, wala umano siyang nababalitaang bagong girlfriend ngayon si Enchong pero masaya raw ito ngayon sa kanyang ginagawa bilang actor at entrepreneur.
Ayon kay Janine, isang husband material si Enchong dahil bukod sa mabait at masipag at may sariling negosyo, isa umano itong responsible guy kaya masuwerte kung sinumang girl ang makakatuluyan nito.
May mga kissing scenes sina Janine at Enchong sa Elise pero hindi naman daw ito magiging dahilan para magselos si Rayver.
Sina Janine at Enchong ay unang nagkatrabaho sa indie movie na Lila in 2016.
- Latest