^

PSN Showbiz

Digong nanguna sa panonood ng Bato!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Digong nanguna sa panonood ng Bato!
President Duterte

SEEN: Sa pangunguna ni President Rodrigo Duterte, dumalo ang mga government official sa red carpet premiere ng Bato: The Gen. Ronald Dela Rosa Story na ginanap sa SM Megamall Cinema 1 and 2 noong Martes.

SCENE: Sinuportahan nina Piolo Pascual, Joyce Bernal, Mariel Rodriguez, Kylie Padilla, Senator Manny Pacquiao at Phillip Salvador ang premiere night ng life story ni Bato.

SEEN: “Welcome Mommy Eva Padilla” ang buong ningning na announcement ng female emcee sa red carpet ng film bio ni former PNP chief. Nagpanggap ang female emcee na kilala niya ang ina ni Robin pero nagkamali siya dahil ang lola ni Mariel Rodriguez ang ipinakilala niya na Mommy Eva. Kung may duda, magtanong para hindi mapahiya.

SCENE: Pinalakpakan ng audience ang eksena ni Efren Reyes Jr. na gumanap na Mayor Rodrigo Duterte sa Bato dahil gayang-gaya niya ang kilos ng karakter nito.

SEEN: Hindi kaagad nakalabas ang mga nanood ng Bato sa dahil pinauna muna na lumabas si President Rodrigo Duterte at ang entourage nito nang matapos ang screening.

SCENE: Ang The Knight of Shadows: Between Yin and Yang ang Chinese New Year presentation ng Star Cinema. Si Jackie Chan ang bida sa action-fantasy epic na magbubukas sa mga sinehan sa February 6. May hatid na suwerte sa Star Cinema ang mga pelikula ni Jackie na inire-release sa mga sinehan ng film company ng ABS-CBN. Ang ABS-CBN Experience sa TriNoma ang venue ng special screening ng pelikula sa February 2.

SCENE: Ang pasasalamat nina Boobay, Tekla at ng staff ng The Boobay and Tekla Show sa televiewers dahil sa mataas na rating ng pilot telecast noong Linggo ng bagong programa nila sa GMA-7. Dapat mapanatili ng mga bumubuo ng Show ang entertaining concept ng kanilang show para hindi bumitaw ang viewers nila.

SEEN: Ipinagluluksa ng Filipino fans ng American singer na si James Ingram ang pagpanaw nito sa edad na 66 dahil sa brain cancer. Binawian ng buhay si Ingram noong January 29, 2019. Ang I Don’t Have the Heart, Somewhere Out There at Whatever We Imagine ang ilan sa mga hit song ni Ingram na maraming beses nang nagkaroon ng concert sa Pilipinas.

BATO: THE GEN. RONALD DELA ROSA STORY

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with