Mga tauhan at lugar sa show ni Angel kathang-isip!
Kathang-isip lang at hindi nagpapakita ng totoong tao, lugar o kaganapan ang sagot sa naging emote ng ilang kababayan ko sa Camarines Norte matapos na ang Ilocos Norte ang binigyan ng credit ng The General’s Daughter sa ibang mga eksena samantalang sa dalawang bayan sa Camarines Norte - Basud and Mercedes daw sila nag-shooting.
Sinabi ni Kane Choa, ABS-CBN Corporate Communications head na sa umpisa pa lang ng programa ay mag-disclaimer na : “ANG MGA PANGALAN, TAUHAN, LUGAR AT INSIDENTE SA PROGRAMANG ITO AY KATHANG-ISIP LAMANG AT HINDI NAGPAPAKITA NG MGA TOTOONG TAO, LUGAR O KAGANAPAN, O KUMAKATAWAN SA ANUMANG AKTWAL NA ORGANISASYON. ANUMANG PAGKAKAHALINTULAD SA TOTOONG BUHAY AY HINDI SINASADYA AT NAGKATAON LAMANG.”
Nauna na ngang nag-emote ang ilang taga-Camarines Norte na hindi man lang daw binanggit sa programa ang kanilang bayan samantalang naging supportive sila habang nagso-shooting doon ang bagong primetime show ng ABS-CBN.
Nanghinayang sila at nadismaya nga.
- Latest