^

PSN Showbiz

Magaling na aktor na guwapo at sikat, pasan-pasan pa rin ang buong pamilya kahit may asawa na!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Sa isang malaking party ay pinagpistahan ang kuwento tungkol sa isang male personality na walang karapatang magpahinga sa pagtatrabaho dahil sa mga pangangailangan ng kanyang pamilya.

Kung ang maraming artista ay nagtatrabaho lang para sa kanilang sarili ay iba ang sitwasyon ng magaling at kilalang male personality na ito.

Kailangan niyang magpuyat at magpagod, kailangan niyang magsipag, dahil kung hindi siya gagalaw ay siguradong maraming magugutom. Ganu’n katindi ang parang sinumpaan nang tungkulin ng aktor sa kanyang pamilya.

Kuwento ng aming source, “Mula nu’ng manalo siya sa isang contest, e, hindi na siya nakapagpahinga. Ni hindi nga niya na-enjoy ang pagiging teenager niya.

“Kung ang ibang artista, e, puwedeng may work at puwede ring papetiks-petiks lang, e, hindi niya puwedeng gawin ang ganu’n. kailangan niyang kumayod nang kumayod.

“Dapat siyang magtrabaho dahil may nunal yata siya sa balikat, e! Napakarami niyang pasan-pasan na obligasyon at responsibilidad. Siya ang sumasagot sa lahat-lahat ng pangangailangan ng pamilya niya,” napapailing na unang kuwento ng aming impormante.

Palaging malaking isyu sa kanyang pamilya ang pakikipagrelasyon niya. Walang gusto ang mga ito para sa kanya, hindi sa ayaw nila sa babae, kundi natatakot silang mawalan ng pagkukunan ng mga biyaya.

“Ilang aktres na ba ang naging girlfriend niya? Ang dami-dami na, di ba? Pero kahit sino sa kanila, e, hindi type ng family niya. Kasi nga, kapag naisipan ng male personality na mag-asawa na, e, paano na sila? Nganganga na lang ba sila?

“Pero mabuti na lang at ipinaglaban ng aktor ang personal happiness niya. Sa ayaw at sa gusto ng family niya, e, kailangan na niyang bumuo ng sarili niyang pamilya.

“May nakapigil ba sa kanya? Ang masaklap nga lang, kahit meron na siyang asawa, e, sa kanya pa rin umaasa ang family niya. Okey lang naman ‘yun sa male personality, basta huwag lang siyang ini-stress at binibigyan ng mga problema!

“Mabuti na lang at mabait at understanding ang napangasawa niya, hindi nakikialam, mapagmahal at naiintindihan ang buhay ng pamilya niya.

“Kaya naman pala mula nu’n hanggang ngayon, e, masuwerte ang male personality. Palagi siyang may trabaho, bukod pa sa ang galing-galing naman kasi niyang umarte.

“Malalim ang hugot niya. Napakabilis niyang umiyak. Napakaguwapo pa niya. Lahat na yata, e, nasa kanya na,” puring-puri ng aming source ang sikat, guwapo at magaling na aktor.

Ubos!

Rowell matagal naburo ang husay sa akting!

Pansamantalang nagpahinga sa maaaksiyong eksena ang seryeng FPJ’s Ang Probinsiyano. Relax-relax lang sila nang ilang linggo. Palagi lang silang kumakain sa mahabang mesa, nagkukuwentuhan, paganu’n-ganu’n lang.

Pero heto, rumeresbak na ang serye sa puro maaaksiyong gabi, panay-panay na naman ang barilan at upakan, ang pinakahihintay ng mga lalaking tagapanood ng serye, hawak na naman sila sa leeg ng pinagbibidahang programa ni Coco Martin.

Nu’ng isang gabi ay ipinalabas ang pagkamatay ni Ryza Cenon sa engkuwentro ng mga taong labas at ng grupong Vendetta. Habol-hininga ang manonood sa mga eksenang ipinakikita.

Ang galing-galing ni Rowell Santiago sa eksenang takbo siya nang takbo habang karga ang patay na niyang anak na si Ryza. Sobrang galing ng director-actor sa kanyang pagtangis at pagsigaw dahil ang kaisa-isa niyang anak na nakaligtas nang imasaker ang kanyang mag-ina ay wala na rin.

Sabi ni prop na agarang tumawag sa amin, “Late nang dumating ang ganitong opportunity para kay Rowell. Ang galing-galing pala niyang aktor! Napakatagal niyang itinago ang talent niyang ganyan!

“’Yung pag-iyak niya, ‘yung pagsigaw niya, ‘yung blangko niyang mga mata habang tinatangisan ang namatay niyang anak, parang sa news ko lang napapanood ‘yun kapag may pinapatay! Ang galing-galing niya!” papuri ni prop kay Rowell Santiago.

Ang tanging isinagot ni Direk Rowell nang iparating namin sa kanya ang papuri, napakasimple, “Sobrang salamat po, pakisabi, sulit ang pagod at pagkapaos ko sa mga eksenang ‘yun.”

ROWELL SANTIAGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with