^

PSN Showbiz

Pacman sinusundan-sundan ng isang US TV show

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Pacman  sinusundan-sundan  ng isang US TV show
Pacman

Medyo nanibago ako sa set up ng fight ni Papa Manny Pacquiao, Salve. Nang lumaban siya kay Lucas Matthysse sa Kuala Lumpur noong July 2018, dahil siguro hindi kasing dami ng tao sa Las Vegas ang venue, halos lahat ng mga Pinoy na manonood ng boxing, nasasalubong mo sa lobby ng mga hotel, shopping area at kung saan-saan.

Dito sa Las Vegas, hindi ko nakita ang staff ng GMA 7, ABS-CBN at TV5. Ang nasasalubong ko lang, ang mga taga-Showtime promotional na ginagawan ng tele­vision special ang life story at laban ni Champ Manny. Talagang sinusundan at kinukunan ng camera men ng Showtime ang lahat ng activities ni Papa Manny.

Para gawin ng isang US show na ang producer ay Showtime ni Mario Lopez ang lifestory ni Manny, bongga talaga. Live rin na napanood sa Showtime ang boxing match kahapon nina Papa Manny at Adrien Broner.

Feeling mayabang ang mga Pinoy kapag nakikita nila ang adoration kay Papa Manny ng ibang mga lahi kaya hindi nakapagtataka na proud na proud si Mama Jinkee sa asawa niya.

Sharing the glow ang pamilya Pacquiao at pati ang Jamora family dahil feel nila ang love ng public kay Champ Manny na napaka-gracious sa lahat, Love you Champ Manny! Congrats again.

Family affair…

At least sa trip natin na ‘to, nakita ko ang apo ko na si Kinsey at ang ibang members ng family.

Bongga dahil lahat sila ay fan ni Champ Manny. Ang sarap ng feeling na buong pamilya, cheering for Papa Manny.

Si Papa Toby Tiangco nga kasama ang wifey niya at ang anak nila na si Tommy Tiangco.

Parang ginawa na rin na outing and family bonding ang panonood ng fight kaya masarap ang feeling na nakukuha mo sa energy ng paligid.

Family man si Papa Manny kaya family din ang feeling ng mga nasa paligid niya. So nice dahil isang Filipino trait na kitang-kita mo sa lahat, ang pagmamahalan  ng bawat pamilya. I love the aura.

Matatandang nagbibiyahe parang may concert sa pag-ubo

Dapat siguro kapag nagbiyahe ka, isa sa mga bagay na babantayan mo ang biglang pagkakaroon ng ubo at sipon dahil sa biglang pagbabago ng klima at pagod na rin.

Halos parang concert sa loob ng eroplano ang pag-ubo ng mga pasahero sa aming flight from Manila to Las Vegas.

Kawawa ang mga matatanda na talagang hirap na hirap sa pag-ubo at kapapahid sa kanilang mga ilong.

Pati ang mga bata, ganoon din ang sitwasyon. Naku, marami talaga ang mga sakit na puwedeng makuha sa biyahe kaya kailangan na mag-ingat na mabuti.
Dapat na maghanda ng mga gamot at kumpleto ang  pahinga bago umalis ng bansa at sa lugar na pupuntahan.

Masarap magbiyahe pero dapat na mag- travel in comfort. Also, always listen to your body. Makiramdam para alam natin kung kaya ng ating mga katawan ang mga long flight.

LUCAS MATTHYSSE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with