^

PSN Showbiz

Ka Tunying hiniritan ng baby boy ang misis

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Ka Tunying hiniritan ng baby boy ang misis

Si Kris Aquino ang hinanap ng karamihang guests na dumalo sa reaffirmation of vows nina Anthony at Rossel Taberna na ginanap sa Lokal ng Tagaytay ng Iglesia ni Kristo kamakalawa ng hapon. Bahagi ito ng pagdiriwang ng mag-asawa ng kanilang 11th anniversary.

Isa sa mga ninang si Kris dahil close siya sa mag-asawa pero ini-expect naman nilang hindi siya makakarating dahil sa pi­nagdaanan niya ngayon.

Pero may regalong gown daw si Kris na gawa ni Michael Cinco na pinagamit kay Rossel para sa reception. Hindi raw niya alam kung iyun na raw ba ang wedding gift. “Tinanong naman niya ako kung ano pa kailangan namin sa bahay, pero ayoko na siyang i-hassle. May sakit eh,” sagot sa akin ni Rossel nang tinanong ko.

Dumating naman ang halos lahat na bahagi sa entourage lalo na ang mga kasamahan ni Ka Tun­ying sa Umagang Kay Ganda.

Kahit nga si Atom Araullo ay nag-host pa sa programa nila sa reception nila sa Fernwood.

Doon nagdatingan ang karamihang invited guests na karamihan ay nasa pulitika.

Ilan sa mga taga-showbiz na dumalo ay ang mag-asawang Christopher Roxas at Gladys Reyes.

Sina Christopher at Gladys ay nagkaroon din ng reaffirmation of vows nung nakaraang taon na doon din sa Tagaytay ginanap, na mukhang doon nagkaideya si Ka Tunying na gawin nila iyun ni Rossel.

Ang ikinatuwa raw nila nang husto ay para sa dalawa nilang anak na sina Zoey at Helga, dahil naging bahagi na sila ngayon ng kasal.

Siyempre, wala naman daw silang ideya kung paano nagpakasal ang magulang nila kaya sobrang saya ng mga bata nang nasaksihan nila ito ngayon at naging bahagi pa sila sa seremonya.

Iyun din daw ang ikinatuwa nina Gladys at Christopher, dahil nakita raw nila kung gaano kasaya ang kanilang mga anak nung nagpakasal sila uli.

Kaya nga bukod sa mga ninong at ninang, wala na silang kinuhang  abay dahil gusto nila mga anak lang nila ang nasa entourage.

Congratulations kina Ka Tunying at Rossel Taberna na magbubukas ngayong araw ng pang-walong branch ng Ka Tunying’s Café sa may SM North Tower.

Ipagdiriwang din ngayon ni Ka Tunying ang kanyang 44th birthday, at isa raw sana sa wish nila sa kanilang pagpapakasal uli at sa kaarawan ni Ka Tunying na magka-baby boy na sila.

Mark pinakasal uli ang mga magulang

Nakakatuwa rin ang ginawa ni Mark Bautista para sa kanyang magulang na kung saan inayos niyang ipa-bless sa pari ang kanyang magulang na hindi raw nagkaroon ng maayos na wedding.

Nalungkot daw silang magkakapatid nang nalaman nilang nanghiram lang daw sila ng singsing para gamitin nilang wedding ring.

Kaya kasabay ng 60th birthday ng kanyang mama, doon daw nila tinupad ang lahat ng mga na-miss ng magulang niya nung nagsisimula pa lang sila.

Sa January 25 daw ang wedding anniversary ng magulang niya at pinagawan pa niya ng gown kay Albert Andrada ang kanyang ina.

Kuwento ni Mark na ipinost sa kanyang Instagram account nung nakaraang Linggo; “It’s my mom’s 60th birthday…Gusto lang niya ng simpleng celebration with family and her friends pero naka gown since never naman daw siya naka-experience ng debut…so we decided to do it in CDO and I asked @albertandrada to make her a gown…since nalaman din namin a month ago na never pala nagka-wedding ring sila ni Papa (nanghiram lang daw sila sa cousin nila na nag-organize sa wedding nila noon) bilang na sad kami sa story nila, we surprised them with a ring and hired a priest to bless them also same day today (but their 42nd anniversary is on Jan, 25 pa).

“It’s a joy seeing both of them so happy today. Thank you Lord for making everything possible.”

Tuwang-tuwa naman ang mga kaibigan ni Mark na singers sa ginawa niya na napasaya nila ng kanilang magulang.

ANTHONY AND ROSSEL TABERNA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with