^

PSN Showbiz

Paolo klinaro ang premature na panganganak ni LJ, mukha ng baby itatago muna

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Paolo klinaro ang premature  na panganganak ni LJ,  mukha ng baby itatago muna

Kinlaro sa amin ni Paolo Contis na hindi pre-mature ang pangangak ni LJ Reyes nung nakaraang Biyernes, December 4 ng 4:56 ng hapon.

Eksaktong 37 weeks daw sa sinapupunan ni LJ ang baby nila bago ito inuluwal.

Mabuti at normal delivery naman daw si LJ na kung saan iniluwal niya ang baby girl nila na pinangalanang si Ayanna Summer Contis.

Text sa amin ni Paolo, may timbang na 6.15lbs at healthy daw ang kanilang baby. Okay na okay din daw ang kalagayan ni LJ.

Nakita lang namin sa post ni LJ ang paa ng baby, na sabi ni Paolo, hindi raw muna nila ilalabas ang mukha ng baby.

“Gusto muna namin solohin ang mukha ni baby,” text sa amin ni Paolo.

Tinanong na lang namin kung sino ang mas kamukha ni Baby Summer.

“Kamukha ni Aki hahaha! Chinitang tisay,” text back niya sa amin.

Super tutok si Paolo sa kanyang mag-ina, kaya hindi siya umaalis ng hospital.

“Korak!” ang sagot sa akin ni Paolo nang sinabi kong super kayod na siya ngayon dahil sa pagda­ting ni Baby Summer sa kanila ni LJ.

Kiko at Aki game pumatol sa bading sa halagang 8 million

Walang preno at kiyeme ang mga sagot ng dalawang leading man ni Martin del Rosario sa Born Beautiful na sina Kiko Matos at Aki Blanco.

Nakatsikahan namin sila sa Level Up radio program ni Noel Ferrer nung nakaraang Sabado, December 5 para i-promote ang naturang pelikula.

Siyempre tungkol sa kabadingan ang napag-usapan na open na open naman silang pag-usapan sa mga bading na gustong makaisa sa kanila.

Nagkuwento si Aki kung paano siya hinipuan ng isang kaibigan nang nalasing sila. Mabuti at nakita raw ng pinsan niya kaya hindi natuloy ang panghahalay sa kanya.

Deadma na lang daw si Kiko kapag merong ilang taga-showbiz na type siyang ikama.

Pero sabi ni Kiko, hindi raw niya nakalimutan ang bilin ng nanay niya na kung may mayamang bading na mag-alok sa kanya ng 8M, kagatin na raw ito.

Sabi ni Kiko; “In-orient ako ng nanay ko dati pa eh.

“Sabi niya, pag may nag-offer sa ‘yo ng 8M, tanggapin mo na.

“So, parang ako, jokingly, growing up, I would always say, ‘sige, 8M pesos, bahay, lupa, kotse, game!

“Ayan, umaatras na sila.”

Nabaling ang atensyon namin kay Akihiro, kung sakaling may nag-alok sa kanya ng ganun din kala­king halaga, papatusin ba niya.

Sandaling nag-isip si Aki, at “Go!” sagot niya sa amin.

Sinundan ng tanong si Kiko kung sulit naman ba ang maibibigay niya sa malaking halagang iyun.

“Ah talaga! Hindi niya makakalimutan ‘yon. Kikita naman tayo ng 8M di ba?” natatawa niyang sagot sa amin.

Game na game ang dalawa sa pelikulang Born Beautiful na hindi na raw nila mabilang kung nakailang kissing scene sila kay Martin.

Comfortable  naman daw sila kay Martin kaya tinodo na raw nila ang pakikipaghalikan.

Sa January 23 na ang showing ng Born Beautiful na dinirek ni direk Perci Intalan.

PAOLO CONTIS NA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with