^

PSN Showbiz

Michael Angelo, may sariling TV production na

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Michael Angelo, may sariling TV  production  na
Michael

MANILA, Philippines — Full of positivity pag kausap mo si Michael Angelo, ang kilalang public/inspirational speaker, political adviser, former seminarian, businessman, comedian, TV host etc. etc.

Puro positive kasi ang kuwento niya. Nagpapatawa siya pero wala siyang negative na sinasabi.

Kaya naman bukod sa nasa ika-13th season na ang kanyang sitcom sa GMA News TV, ang bongga ng bago niyang negosyo na Simply Suka. Nakabenta agad siya ng 50,000 bottles samantalang kaka-launch lang nila ito sa market late last year. Plano niya ngayong palakihin ang nasabing negosyo kung saan maglalabas din siya ng ibang condiments na tatatakan nga niyang Simply... Di niya ito binigay sa malalaking supermarket at ginawa niyang direct selling para raw mas maraming kumita.

Marami rin siyang hina-handle na pulitiko - nagsusulat siya ng speech at consultant na rin, kabilang na ang siyam na senador at 30 representatives.

Siyempre sikat din siyang inspirational/public speaker na pati ang Philippine Air Force ay client niya.

Ngayon ay meron na siyang sariling Michael Angelo TV productions at ang pinaghahandaan nila ngayon ay ang #MichaelAngeloHolyWeekDramaSpecial for this year na consistent na mataas ang rating noong nakaraang taon.

May dalawang pelikula rin siyang naka-planong gawin.

Huli siyang napanood sa Pamilya Roces kung saan siya gumanap na gay na natutuwa siya pag nakikilala siya sa mall.

Anyway, walong taon siyang nasa seminaryo at dalawang taon na lang ay pari siya. Pero biro niya, mahirap mag-pari pag may hitsura. Saka pag pari raw madalas papaya at canned goods ang regalo na siyempre ay joke lang.

Kabilang sa mga super friends niya sa showbiz sina Dingdong Dantes and AiAi delas Alas.

Barack Obama pasok sa Billboard

Wow pasok na ang kanta ni former US president Barrack Obama sa Billboard - Hot R&B Songs chart at number 22 ito.

Ayon sa report ng CNN.com, nagpasalamat si Obama sa creator ng Hamilton na si Lin-Manuel Miranda at ginawa siyang chart star.

Kasama siya sa gospel inspired remix na One Last Time (44 Remix) ng hit Broadway show.

Actually, hindi naman siya kumanta, nag-narrate lang. Ang kumakanta  ay sina Christopher Jackson at ang gospel star na si BeBe Winans.

Kilalang mahilig kumanta ang dating presidente ng Amerika.

MICHAEL ANGELO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with