^

PSN Showbiz

Male personality ayaw tantanan ang kaangasan, pabibo at katigasan ng ulo!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Dati nang may kaangasan ang isang male personality na bumibida sa mundo ng palakasan. Nasa kolehiyo pa lang siya, palibhasa’y magaling nga siyang maglaro at inaasahan ng kanyang team, ay lantad na ang kayabangan niya.

Maraming hindi nagkakagusto sa kanyang ugali, pakiramdam kasi ng player na ito ay hindi makukumpleto ang kanilang koponan kapag nawala siya, siya ang palaging bumibida sa mga kuwentong hindi kagandahan.

Nang makapasok na sa propesyonal na liga ang manlalaro ay bidang-bida pa rin siya, impernes ay maaasahan naman kasi siya sa three points, kaya maraming kababaihan at kabekihan ang tumitili para sa kanya.

Kuwento ng isang source mula sa kanilang mundo, “Maangas na siya kahit nu’n pa, pero mas umangas pa siya nu’ng makapasok na siya sa professional league. Marami siyang reklamo.

“Kapag hindi sinusuwerte ang mga kasamahan niya, e, bulong siya nang bulong, shoot daw kasi nang shoot, e, mga bano naman sa shooting! Parang ang gusto niyang mangyari, e, sa kanya na lang nang sa kanya ibigay ang bola!

“Buwaya nga ang tawag sa kanya ng marami dahil parang ayaw na ayaw niyang may kaagawan siya sa puntos, sa totoo lang! Siya dapat ang highest scorer, hindi iba, ganu’n ang drama niya!” simulang kuwento ng aming source.

Nakakatatlong lipat na ngayon ang male personality, ipinamigay rin siya ng ikalawang team na nilipatan niya, ang dami-dami ring kuwento tungkol du’n.

Isa pang source ang nagkuwento, “Matigas ang ulo niya. Hindi niya sinusunod ang gustong mangyari ng team, gumagawa siya ng sarili niyang play! Kailangang ang atake niya ang masunod, kaso, pumapalpak naman siya!

“Siya pa ang may ganang magsabi ngayon na next time daw, e, kailangan na niyang mamili ng mga kakaibiganin niya?

“Ano ang gusto niyang palabasin, na may mga naninira sa kanya? E, siya nga ang hindi dumadating sa team practice, di ba? Maysakit kuno siya, pero nakikita naman siyang nagsi-shopping kasama ang dyowa niya!

“Masama kasi ang loob niya kapag hindi siya masyadong nagagamit sa game. E, puwede ba naman kasing puro siya na lang ang ipasok ng coach nila?

“E, may off night din naman siya, hindi siya nakakapag-deliver, ibababad pa rin siya? Naku, kahit saan makarating ang mokong na ‘yun, e, walang mangyayari sa kanya!

“Hanggang hindi niya tinatantanan ang kaangasan, katigasan ng ulo at palaging pabibo, e, magpapalipat-lipat na lang siya palagi ng team! Fantastic siya, di ba naman?” pagtatapos ng aming impormante.

The General’s Daughter kita na  ang matitinding eksena

Ayaw naming matapos agad ang Ngayon At Kailanman na kinagiliwan naming simu­lan at buo na sa aming isip na tapusin. Hinawakan sa leeg ng seryeng pinagbibidahan nina Joshua Garcia at Julia Barretto ang manonood.

Malalim ang kuwento, magagaling ang mga artista, pero kailangan nating tanggapin na tatlong linggo na lang ay magpapaalam na ang serye.

Pero mukhang mas matindi ang ipapalit ng ABS-CBN, ang The General’s Daughter, na sa teaser pa lang ay kumakaway na agad para sila suportahan at tutukan.

Matitindi ang mga eksena, malalaking artista rin ang bumubuo ng serye, napakaganda ng pagpapakilala—ang pagbabalik ng nag-iisang Angel Locsin.

May special participation ang Diamond Star na si Maricel Soriano, magtatagisan sa pagganap sina Albert Martinez at Tirso Cruz III, may Janice de Belen at Eula Valdez pa at maraming-marami pang pambatong artista ng Dos.

Gandang-ganda kami kay Angel Locsin sa lahat ng kanyang anggulo, mahal na mahal siya ng mga camera, siguradong inaabangan na ng kanyang mga tagahanga ang seryeng ito dahil matagal na panahon siyang absent sa telebisyon.

Du’n maaasahan ang ABS-CBN, inaangkin talaga nila ang primetime block, wala kang itatapon sa kanilang mga palabas. Uumpisahan mo ang pagtutok sa Ang Probinsyano at tatapusin mo ang panonood sa pinakahuli nilang serye.

Hawak nila ang manonood, may lumipat man ay sa commercial break lang, kaya kanila ang matataas na numero sa labanan ng ratings.

THE GENERAL’S DAUGHTER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with