Kilalang personalidad walang kupas ang kadamutan
Pinanindigan talaga ng isang kilalang male personality ang pagiging parang boksingero sa pagiging sarado ng kanyang mga palad at kamao. Nagtago na naman siya sa kanyang mga inaanak kaya siya ang bumibida sa pelikulang Finding Ninong.
Bumiyahe siya sa ibang bansa. Hanggang sa maka-Bagong Taon na siya du’n at ang nakakaloka pa, bago siya lumipad papunta sa ibang bansa ay may kinausap siyang kaibigan, raraket pa rin pala siya du’n.
Kuwento ng aming source, “Kahit mumurahing panyo, wala siyang ibinigay sa mga nakatrabaho niya nang buong taon sa isang network. Marami siyang ginawang projects du’n, pero this Christmas, e, parang wala lang sa kanya ‘yun.
“Ano ba namang kahit sa mga staff lang na nakatrabaho niya, e, naglaan siya ng kahit hindi naman mamahaling gifts? Hindi naman ‘yung amount ang importante, kundi ang pag-alala.
“Marami siyang inaanak, pero kahit minsan pala, e, hindi niya inalala ang mga bata, parang wala lang din. Hindi na nga siya nagbigay ng pakimkim nu’ng binyagan, e, wala ring regalo ang mga bata kapag dumarating ang Pasko!
“At heto pa. E, di nagtago nga siya sa ibang bansa, di ba? Bago siya umalis, e, kinausap niya muna ang isang friend niya du’n na tumatayong booking agent niya dati.
“Matagal siyang nagtrabaho sa bansang ‘yun, di ba? Ang sabi niya, e, kailangang maging makabuluhan ang pamamalagi niya du’n habang nagtatago siya sa Kapaskuhan. Nagpapa-book siya sa mga party ng mga kababayan natin, kakanta raw siya, na may talent fee, siyempre!
“Isa lang ang comment ng friend niya, ‘You talaga, wala kang ipinagbago! Bakasyon na dapat, e, ginagawa mo pa ring very enterprising! Raraket ka pa rin!’
“At ganu’n nga ang nangyari. Habang umiiwas siya sa mga inaanak at reregaluhan niyang katrabaho, e, rumaket pa rin siya sa bansang pinuntahan niya!
“Special guest siya sa party ng mga Pinoy du’n, sing siya nang sing for a fee, wala talagang kupas ang lolo n’yo! Araw-gabi talagang puro pagtitipid ang nakatatak sa utak niya!
“Wala nang kakabog sa kanya, sa totoo lang, siya lang ang nag-iisang kuring at nakasarado ang mga palad sa lahat ng okasyon!” tawa nang tawang pagtatapos ng aming source.
Ubos!
Alex walang pakialam sa hitsura, kinabog si Toni
Sana nga ay kumalat nang kumalat ang balita na maganda pala ang pelikulang Mary, Marry Me ng magkapatid na Toni at Alex Gonzaga.
‘Yun ang naririnig namin sa mga kaibigang naiinip sa pagpila sa ibang pelikula, du’n na lang sila napadpad sa proyekto ng magkapatid, at nu’n nila napatunayang hindi naman pala nasayang ang kanilang panahon at pera.
Maganda raw ang movie, magaling ang magkapatid, nakakaaliw daw ang mga eksena ni Alex na ayon sa aming nakakuwentuhan ay nagdala ng pelikula.
Isa ang kanilang pelikula sa mga hinuhulaang maagang mababawasan ng sinehan para ibigay sa mas malalakas na entries. Pero bago man lang sana mangyari ‘yun ay kumalat na ang kuwentong maganda pala ang proyekto at kapano-panood.
Sabi pa ng aming kaibigan, “Very natural silang umarte, Sam Milby naman kahit nagkakaedad na, e, yummy pa rin. Mas mahusay umarte si Alex kesa sa ate niya dahil wala siyang pakialam sa itsura niya.
“Sana naman, magkaroon ng chance ang mga moviegoers na panoorin ang movie,” rekomendasyon pa ng aming kausap.
Ang mga Gonzaga mismo ang namuhunan para sa Mary, Marry Me. Bagong karanasan ito para sa kanila. At sabi rin ng isang kaibigan namin, “May special participation sa movie si Mrs. Pinty Gonzaga!”
Nagkakabiruan nga kaming magkakaibigan na natupad na rin sa wakas ang matagal nang ambisyon ni Aling Pinty. Artista na rin ito ngayon.
Simple lang si Aling Pinty pero mahilig itong umeksena, konting kibot lang ay nanghihimasok na ang stage mother na ito para sa kapakanan ng kanyang mga anak, promise!
Sabi ng isang sutil naming kasamahan sa trabaho, ?Nagkakabiruan nga kaming magkakaibigan na natupad na rin sa wakas ang matagal nang ambisyon ni Aling Pinty. Artista na rin ito ngayon.
Simple lang si Aling Pinty pero mahilig itong umeksena, konting kibot lang ay nanghihimasok na ang stage mother na ito para sa kapakanan ng kanyang mga anak, promise!
Sabi ng isang sutil naming kasamahan sa trabaho, “Si Mommy Pinty talaga ang mahilig sa pag-aartista, pero hindi natupad! Frustrated actress siya!”
Ha! Ha! Ha! Ha!
- Latest