^

PSN Showbiz

Tatlong pelikula nabawasan na agad ng sinehan!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Tatlong pelikula nabawasan na agad ng sinehan!

Piracy sa social media  ng MMFF entries, binabantayan!

Sino kaya ang mananalong Best Float? Or meron ba? Ngayong gabi na ang Gabi ng Parangal ng MMFF.

Maalalang lumubog sa putik ang mga float ng walong pelikulang palabas na sa mga sinehan sa Parade of Stars na ginanap noong Linggo sa Paranaque.

As in lumubog sa putik ang mga pinaghirapan, pinag­handaan at pinagkagastusan ng mga producer na sanay gagamitin sa Parada. Pero dahil sa matinding pag-ulan, lumubog ang gulong ng mga sasakyan.

Ang Fantastica lang ang hindi nabalahaw pero hindi rin naman daw sila nakaparada agad dahil hindi pinayagan ng MMFF organizing committee na mauna sila at iwanan ang iba pang mga float na nakalubog pa sa putikan.

So habang sinusubukang iahon ang mga ibang float, natingga raw ang  float ng Fantastica.

Pero talaga raw hindi naiahon lahat dahil hindi rin kinaya ng mga tow truck ng MMDA.

Pero ano kayang masasabi ni MMDA Chair Danny Lim na may nangyari ring palakasan sa pag-aahon ng mga sasakyang na-stuck sa putikan?

Yup, nirereklamo ng isang malapit sa producer na grabe ang naranasan nila sa parada dahil nasira pa ang hiniram nilang truck dahil hindi agad sila natulungang iahon ang float dahil hindi sila pinapansin kahit anong pakiusap nila. So talaga raw hindi na sila umasa at wala nang nagawa.

Feeling naman ng ibang producer ay nabangungot sila sa nangyari dahil nga pinaghirapan nila ang mga nasabing float.

Bukod pa raw ito sa kawawa talaga ang mga artista na maagang nagbiyahe sa Parañaque nung Linggo pero hindi nga nakapagparada.

Ang mananalo ng Best Float ay tatanggap ng P200,000 na sabi nga parang unfair dahil siguro raw mas tamang lahat na lang manalo dahil nga lahat naman ay nag-effort na hindi naman nila kasalanan na sa putikan pala sila pumarada.

Wait natin kung anong magiging decision ng inampalan sa nangyari.

Anyway, may nagbigay na ng figure sa first day ng MMFF 2018. Pero bawal na bawal daw banggitin para hindi mag-set ng trend.

Ang nangunguna ay more than P10 million ang lamang sa second at ang pang-third ay  malayo ang agwat sa pang-second.

Ayon sa nagkuwento, may tatlong sobrang hina sa takilya kaya hindi nakakataka kung mawawala agad sila sa mga sinehan. Idagdag ang mga sinehan sa top 2 na maraming sold out na screenings at kinakapos pa ng screenings.

Ang kinatatakutan lang nga­yon ng ibang mga producer ay ang piracy sa social media.

Worried sila na oras na ma-pirate ang pelikula nila lalo na ‘yung medyo mahina, mas maapektuhan sila.

Kaya nakikiusap silang sana naman ay mabantayang maigi ang mga namimirata sa social media.

BEST FLOAT

MMFF ENTRIES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with