^

PSN Showbiz

Tj pinagluluksa pa ng pamilya!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Tj pinagluluksa  pa ng pamilya!
Tirso

SCENE: Ang katatakutanne, sigawanne at annegaling na coined words ng mga nanood ng Aurora dahil ‘yon ang kanilang mga naramdaman nang panoorin nila ang horror movie ni Anne Curtis na official entry sa Metro Manila Film Festival 2018.

SEEN: Positive ang reviews sa Jack Em Popoy: The Puliscredibles dahil maganda ang kuwento ng pelikula nina Coco Martin, Maine Mendoza at Vic Sotto. Ibang Vic ang napanood nila sa Jack Em Popoy ang opinyon ng moviegoers.

SCENE: Ang block screening ng Fantastica noong Christmas Day sa Mall of Asia na dinaluhan ng cast sa pangunguna nina Vice Ganda, Dingdong Dantes at Richard Gutierrez. Mainit sa loob ng sinehan ang reklamo ng audience dahil mahina ang aircon.

SEEN: Sinuportahan nina Marian Rivera, Sarah Lahbati, Ruffa at Raymond Gutierrez ang Christmas Day block screening ng Fantastica na pinagbibidahan ng kanilang mga mahal sa buhay, sina Dingdong Dantes at Richard Gutierrez.

SEEN: Dadalo sa Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival 2018 si senatoriable at Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go na inaasahan na magi­ging isa sa award presenter.

SCENE: Ipinagdiwang ni Yasmien Kurdi at ng kanyang pamilya ang Pasko sa dream house nila sa southern part ng Metro Manila. Walang plano si Yasmien na ibenta ang tinirhan nila na condominium unit sa Taguig City dahil sa sentimental value nito.

SEEN: T-shirts na may litrato ni TJ Cruz ang suot ng kanyang nagluluksa na pamilya noong araw ng Pasko. Ito ang unang Pasko na  hindi kasama nina Tirso at Lynn Cruz ang kanilang panganay na anak.

vuukle comment

TIRSO CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with