^

PSN Showbiz

Kahit may karamdaman, Bea biglang binuweltahan

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Kahit may karamdaman, Bea biglang binuweltahan
Bea at Catriona

Nakakaawa naman si 2013 Miss International Bea Santiago na dumaraan ngayon sa matinding health crisis.

Imbes na tulungan siyang magdasal ng ibang netizens para malagpasan ang sakit, ipinaalala pa nila ang ginawa nito umanong panlalait kay now 2018 Miss Universe Catriona Gray. Nag-comment kasi noon sa social media si Ms. Bea na hindi raw bagay si Catriona na manalo ng Best in Swimsuit sa Binibining Pilipinas (World). “It should not be all about the face,” sabi niya noon sa Twitter after nitong manood sa airing ng 2016 Binibining Pilipinas coronation night. May binanggit siya contestant na dapat daw ay nanalo. Maalalang noon pa lang kasing manalo si Catriona na Miss World sa Binibini ay ang dami na niyang hinakot na award. 

Kaya naman katakot-takot na bashing na noon ang tinanggap ni Bea na ngayon nga ay binubuhay nila.

Nauna nang na-bash si Maggie Wilson nang batiin niya ang pagwawagi ni Catriona na sa Miss Universe last week eh ‘yung comment nga nila ni Bea, 2016 pa, ay may himig nang panghuhusga.

Grabe mahusay din ang memorya ng bashers ha. Hindi pa sila nakaka-move on.

Anyway Christmas na, bawal na ang bashing. Kawawa naman si Bea na kasalukuyan nasa Canada para nga sa treatment ng kanyang chronic kidney desease kung saan umamin siyang nabubuhay na lang siya dahil sa mga machine.

BEA SANTIAGO

CATRIONA GRAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with