Masaganang Bukas Learning Centers, lima na agad!
MANILA, Philippines — Dalawa pang Masaganang Bukas Learning Centers ang pinasinayahan ng social arm ng The Philippine STAR, Operation Damayan, katuwang ang Galing ng Bayan Foundation Inc. noong nakaraang Miyerkules.
Sa pagbubukas ng learning centers sa Barangay Commonwealth at along Road 5 in Barangay Bagong Silangan, meron na agad limang Masaganang Bukas Learning Centers sa Quezon City.
Nauna nang pinasinayahan/binuksan ang tatlong katulad na pasilidad sa tatlong Barangay sa QC - Payatas, Bagong Silangan and Batasan Hills noong Nov. 24.
Pinangunahan nina STAR president and CEO Miguel G. Belmonte at anak niyang si Mikey Belmonte na founder and president ng Galing ng Bayan Foundation Inc. ang nasabing inauguration ng dalawa pang learning centers. Nakasama nila sina Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte, na alam nating lahat na ang pagtataguyod ng edukasyon ang palaging prayoridad ng kanilang pamilya para sa mas matibay na kinabukasan.
Sinabi naman ni Mikey na kamakailan lang ay kinilala ang Galing ng Bayan Foundation ng city government bilang outstanding volunteer organization, na ang mga nasabing day care centers ay sinadyang itayo sa mga lugar na malayo ang mga residente sa pre-school facilities. “The areas we selected are those where there are no daycare facilities so that the people there won’t have to walk so far just to acquire basic education,” banggit niya na graduate ng kursong Entrepreneurship sa University of Asia and the Pacific.
Nasa larawan sina Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte kasama (from left) sina Philippine Star president and CEO Miguel Belmonte, Galing ng Bayan Foundation president Mikey Belmonte, homeowner association officers Ronald Abesamis, Jesusa Ginayhinay (president), Nimfa Gandicila, Ucor Base 3 Rosalina Herrera, Kagawad Rowena Lucas, and Jayson Diocto.
Hindi naman makapaniwala ang homeowers association president na si Susan Ginayhinay na nanguna sa pagwe-welcome, na ang nasabing proyekto ay isa nang reyalidad. Halos 20 years daw silang naghintay sa pangako ng ibang mga pulitiko na patatayuan sila sa kanilang lugar pero hanggang doon lang ang lahat, walang kahit isang tumupad. “Si Mikey, isang meeting lang, tinupad agad,” sabi ni Ms. Ginayhinay.
Nagpa-plano in the future ang Galing ng Bayan Foundation na magdagdag ng another storey sa bawat learning centers na magsisilbing multi-purpose halls para ang mga bata ay may magagamit na palaruan.
Nagpa-plano na rin silang mag-donate ng chairs and tables upang mas maging comfortable ang mga mag-aaral.
“We all know that the future of our country is in the hands of the young, so we want to do our little bit to help contribute to their education,” pahayag ni STAR president Miguel Belmonte.
Dagdag naman ni Operation Damayan coordinator Emie Cruz added, “For the past 15 years, Operation Damayan has been prioritizing the education and literacy of young Filipinos by building classrooms in depressed and underserved areas, especially in the countryside. But this time around, we wanted to serve the depressed and underserved youth in urban areas, which is why we started building these Masaganang Bukas Learning Centers.”
- Latest