^

PSN Showbiz

Otlum manggugulat sa MMFF!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Otlum manggugulat sa MMFF!

Dark horse na maituturing ang horror movie na Otlum (Multo) mula sa panulat at direksiyon ni Joven Tan at isa sa walong official entries ng 2018 Metro Manila Film Festival na magbubukas  sa mga sinehan nationwide simula sa Pasko.

Since mahilig sa mga horror movies ang mga manonood during the Christmas holidays, hindi malayong humatak sa takilya ang Otlum na tinatampukan nina Jerome Ponce, Buboy Villar, Michelle Vito, Vitto Marquez, Danzel Fernandez (anak ng showbiz couple na sina Dan Fernandez at Shiela Ysrael) at ang sikat na young cager na si Ricci Rivero (ng U.P. Maroons) kasama sina John Estrada, Irma Adlawan, Jairus Aquino, ang mag-amang Pen at Ping Medina at iba pa.

Samantala, ayaw pansinin ni Direk Joven Tan ang mga intriga sa kanya ng ibang tao na kesyo mas pinili pa ang pelikula niyang Otlum kesa Right to Kill ng Cannes International Film Festival award-winning director na si Brillantes Mendoza. Sa halip na pansinin nga ang intriga at negativity, thankful si Direk Joven na nakapasok sa Magic 8 ang kanyang pelikula.

“Ang screening committee ng MMFF ang pumili ng walong pelikula na pumasok sa Magic 8 at walang say rito ang mga producer, director at mga artista,” paliwanag ni Direk Joven.

Erwan nagulat sa ginawa ni Anne

Medyo late na nagsimula ang premiere night ng horror-thriller movie na  Aurora na pinagbibidahan ni Anne Curtis mula sa direksiyon ni Yam Laranas sa Cinema 1 ng SM Megamall last Wednesday night dahil naglagare pala si Anne and the rest of the cast ng movie dahil nagkaroon ito ng block screening sa Ayala Malls the 30th (also in Ortigas Center).

Sinamahan si Anne ng kanyang mister na si Erwan Heussaff na super proud sa performance ng kanyang misis in the movie.

Ang Aurora ay pa­ngat­long mo­vie ni Anne sa taong ito. Naunang ipinalabas ang kanyang two hit movies na Sid & Aya (Not A Love Story) na pinagtambalan nila ni Dingdong Dantes mula sa direksyon ni Irene Villamor under Viva Films & N2 Productions kasunod ang action movie na Buy Bust na dinirek ni Erik Matti at joint venture ng Viva Films at Reality Entertainment.

Kiray gustong mag-grow sa GMA

After being with Kapamilya network sa loob ng halos dalawang dekada, lumipat na sa Kapuso network ang 23-year-old actress-comedienne na si Kiray Celis dahil hindi na umano siya naggu-grow bilang artist sa dati niyang home studio dahil wala na umano siyang nakukuhang TV and movie assignment.

Thankful si Kiray sa mainit na pagtanggap sa kanya ng GMA at binigyan kaagad siya ng bagong TV project, isang romantic-comedy series na pangungunahan nina Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado.

Si Kiray ay lumagda ng talent management contract with GMA Artist Center last Thursday, December 20 in the presence ni Simoun Ferrer, ang AVP for Talent Imaging and Marketing at Tracy Garcia, ang Senior Talent Manager ng Kapuso Network.

2018 METRO MANILA FILM FESTIVAL

OTLUM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with