^

PSN Showbiz

Direk Joven walang pretension sa Otlum

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Direk Joven walang pretension sa Otlum
Joven at Ricci

Chill lang si Direk Joven Tan kahit na nakakatanggap siya ng mga panlalait pagkatapos ngang mapiling official entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018 ang pelikula niyang Otlum (Multo).

Ayaw na niyang patulan ang mga taong hindi masaya sa pagkakasali niya sa MMFF.
“Siguro lang talaga sinu­werte ako. Saka napili ako so siguro mananahimik na lang ako,” sabi ni Direk Joven nang makausap namin after the presscon ng kanyang first official entry to MMFF 2018.

Actually wala silang idea na makakasama ang pelikula niyang sinulat at dinirek sa eight official entries. At nalaman lang nila sa mismong announcement ng MMFF.

At kung may naririnig man siyang nega, dedma na lang siya.

Nagsisipag na lang sila sa promo para mas mapansin ang pelikula nilang isang horror.

Isa itong ghost story starring Buboy Villar, Jerome Ponce, Ricci Rivero, Michelle Vito, Vitto Marquez and Danzel Fernandez.

“Simple lang ang story namin, walang pretension, pero pakiramdam ko ma-e-enjoy nila,” dagdag ni Direk Joven.

Nang mag-decide silang isali ang Otlum, umaasa naman talaga silang mapipili ito ng selection committee.

Anyway, ilang tulog na lang MMFF. Malalaman na kung aling pelikula ang mangunguna at mangungulilat.

JOVEN TAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with