Cory Quirino at Dra. Llulu ng DZMM, kaagapay sa buhay na puno ng init at ganda
MANILA, Philippines — Bukod sa pagbabalita at komentaryo, nangunguna rin ang DZMM Radyo Patrol 630 sa mga programang umaagapay sa pamilyang Pilipino at nagtuturo sa kanila kung paano magkaroon ng mahaba at maayos na pamumuhay.
Dalawa rito ang Ma-Beauty Po Naman ni Cory Quirino, na magdiriwang ng ika-15 anibersaryo sa 2019 at Private Nights ni Dra. Lulu Marquez, na pa-12 taon na sa ere.
Ibinahagi ng “wellness queens” ng DZMM kung paano sila nagsimula sa kani-kanilang adbokasya sa isang pagtitipon kasama ang mga media sa Novotel Manila, Araneta Center noong Biyernes (Disyembre 14) para ipagdiwang ang kani-kanilang anibersaryo.
Ani Cory, maaga siya nagsimulang maging health-conscious, kahit na ang magulang niya ay hindi maingat sa kalusugan.
“Natural sa akin ang passion ko sa health and wellness. Hindi ko ito nakuha sa mga magulang ko. Umiinom sila, naninigarilyo, hindi nag-eehersisyo. Hindi pa uso noon ang wellness,” kwento niya.
Tulad niya, nakadama si Dra. Lulu na kakaiba siya sa kanyang mga Kapamilya na puro doktor. Bagamat nagawa niyang maging isang anesthesiologist, naisip niyang hindi bagay ang personalidad niya sa propesyong iyon hanggang makahanap siya ng adhikain at iyon ay turuan at buksan ang isip ng mga tao sa sex education.
“Kaya kong i-explain ang sex na acceptable. Hindi ako instructional. Bilang doktor, ipinapaliwanag ko ‘yun sa pamamagitan ng science, based on anatomy, physiology, and chemistry,” paliwanag niya.
Nakilala si Dra. Lulu bilang eksperto sa sex education kaya naimbitahan siya bilang guest sa“Private Nights noong 2010. Matapos maging co-host, tuluyan na siyang ginawang main anchor matapos magpahinga ang orihinal na host ng programa na si Norma Marco para tutukan ang kanyang kalusugan.
Kahit maraming tagapakinig, naniniwala si Dra. Lulu na marami pang kailangang gawin para maisulong ang sexual wellness sa Pilipinas.
Abangan sina Dra. Lulu Marquez at Ms. Cory Quirino sa DZMM Radyo Patrol 630 at DZMM TeleRadyo tuwing Linggo. Nasa ere ang Private Nights simula ?3 am hanggang ?4 am, samantalang ang Ma-Beauty Po Naman ay magsisimula ng ?9am hanggang ?10 am.
- Latest