MMK episode nina Angel at Dimples wagi sa Asian Academy Creative Awards
MANILA, Philippines — Nanalo bilang Best Single Drama/Telemovie sa kauna-unahang Asian Academy Creative Awards na ginanap sa Singapore noong Huwebes (December 6) ang Maalala Mo Kaya.
Pinarangalan ang longest-running drama anthology ng Asya para sa Kotse-Kotsehan episode (na may international title na Toy Car) na tungkol sa pagmamahal ng dalawang ina sa kanilang anak at pinagbidahan ng award-winning actress na sina Angel Locsin at Dimples Romana.
Napabilang pa ang MMK sa international gala finals matapos kilalanin na national winner sa nasabing parangal noong Oktubre.
Ang Asian Academy Creative Awards ay ginaganap sa 2018 Singapore Media Festival (SMF) at itinatag upang “ipagdiwang ang Asian storytelling” at naglalayon din “maging pamantayan ng pinakamagagaling sa larangan ng content creation at media production sa Asya.
- Latest