^

PSN Showbiz

Magandang buhay noon mahirap kalimutan!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Ewan ko ba Mama Salve why out of the blue bigla ko naalala iyon kinalakihan kong lugar sa Sampaloc. Sa Lardizabal ako lumaki, sa Moises Salvador Elem School nag-aral at sa Our Lady of Loreto at St. Anthony iyon tinatawag na kambal na simbahan kami nagsisimba.

Lumaki ako na ‘haragan’ iyon bang parang siga-sigang bata, hah hah. Kaya nga binu-bully ko si Joey de Leon nang maging classmate kami sa elementary. Lagi akong inuutusan ng nanay ko sa Legarda market kaya mahusay ako nun sa tawaran.

Lumaki ako na parang tanggap lahat ng nangyayari sa buhay, iyon pag ‘di kami nakabayad sa Meralco at Nawasa, meron ‘cutting ‘ ceremony. Iyon pag dumarating Bumbay kung saan may utang nanay namin, nagtatago kami sa bahay, hindi binubuksan ang pinto para akala ng Bumbay walang tao at aalis na.

 Iyon pagagalitan ka ng nanay mo pag marumi ang uniporme mo sa school dahil dalawa lang ang blouse kaya dapat three days iyon isa at two days iyong isa. At ang palda dapat good for one week dahil tipid sa sabon at tubig.

At hindi ko malimutan na pag baha, dapat hubarin mo sapatos at dapat nakapaa ka kasi baka masira iyon shoes, eh isa lang iyon. Kaloka na dahil wala akong baon, pag recess ako ang gumagawa ng projects ng classmate ko para bigyan niya ako biscuit.

Pero nagtataka ako bakit lumaki ako puno ng confidence at hindi intimidated na ganun sitwasyon namin magkakapatid.

Basta happy child ako kahit nung bata pa ako, para bang natatanggap ko lahat.

Siguro nga bata pa ako iyon guardian angel ko binigyan na ako ng contentment sa mga nangyayari kaya wala akong question.

Tanda ko pa na paborito ko Pasko at Bagong Taon kasi sa dalawang araw na iyon lang kami may tinolang manok dahil iyon ang inihahanda ng nanay namin at meron lang kami nun pag espesyal na araw ha. Iyon pancit lahat ng luto, na master ng nanay ko, pancit na may sardinas, pancit na may gulay, pancit na may tuyo, lahat ng pansit, kasi tipid sa kanin.

At buong elementary ko, naniwala ako na iyon mabolo, sabi ng nanay ko apple, kasi meron kaming neighbor na may anak galing abroad may dalang apple at nakita namin kinakain. Naawa ang nanay ko sa amin, bumili ng mabolo at sinabi apple iyon. Hah hah kaloka, kasi ginto pa nun mga imported fruits.

At dun sa neighborhood ng Lardizabal nabuo ang paniwala ko na dapat lagi magsimba ng Sunday kasi para kang outcast pag hindi ka nagsimba kasi lahat ng kapitbahay mo, nagsisimba. Iyon 30 minutes mo, minsan isang linggo na ibibigay mo kay God.

I love all the memories of that street , the tight camaraderie of people, you were all growing up together, at siguro sana lahat ay may magandang buhay. Sometimes out of nowhere may babati sa iyo, anak po ako ni ganito, it feels good. Hay naku, nag-iba na itsura, sure ako nabago na, pero nasa puso ko pa. Ang sarap talagang alalahanin ng buhay noon.

Alden, Vic, at Pauleen, extra effort na sa EB

Kaabang-abang ang Eat Bulaga ngayong tanghali dahil live na mapapanood ang number one noontime show ng bansa mula sa bagong studio nila sa Marcos Highway, Cainta Rizal.

Sosyal at bongga ang hi-tech studio ng Eat Bulaga na inabot nang matagal na panahon ang construction. Sulit ang paghihintay ng lahat dahil napakaganda nga ng bagong tahanan nina Tito Sen, Vic Sotto, Joey de Leon at ng Dabarkads.

May kalayuan ang bagong studio ng Eat Bulaga kaya extra effort ang kailangan ng mga host at production staff para hindi sila ma-late sa work.

Extra effort din ang kailangan nina Alden Ri­chards, Vic at Pauleen Luna sa Monday to Saturday na pag-apir nila sa Eat Bulaga.

Mga residente ng Laguna ang tatlo at alam nating lahat na may himala kapag maluwag ang biyahe at traffic situation mula sa bahay nila hanggang Metro Manila.

OUR LADY OF LORETO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with