^

PSN Showbiz

SPEEd, Marian, Liza, Angel nag-birthday sa Anawim

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
SPEEd, Marian, Liza, Angel nag-birthday sa Anawim

MANILA, Philippines — Naging meaningful ang third anniversary ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa pangunguna ni Ian Fariñas bilang presidente, sa pamamagitan ng isang outreach program sa Anawim Home For the Abandoned Elderly sa San Isidro, Rodriguez, Rizal nitong nakaraang Linggo.

Ang Anawim ay isang institusyon na sinimulan ng kilalang Catholic lay preacher at minister na si Bro. Bo Sanchez na matatagpuan sa 5 hectares area sa Rizal.

Isa sa mga matagal nang nakatira sa Anawim ay ang dating entertainment editor at scriptwriter na si Iskho Lopez na tuwang-tuwang nang makita ang mga kaibigan sa SPEEd. Isa si Iskho sa original founders ng unang organization ng mga  tabloid and broadsheet editors.

Nagpasalamat si Iskho sa mga maagang Pa­mas­ko na natatanggap nila mula sa mga tao at grupo na patuloy na nagbabahagi sa kanila ng tulong. 

Bukod sa simpleng entertainment program, na­ma­­hagi rin ng pagkain (lunch), gamot at sabong pan­laba ang grupo ng mga editor sa mga lolo’t lola na namamalagi sa Anawim.

Naghandog naman ng ilang kanta at sayaw ang mga lolo at lola bago matapos ang programa at ma­ging ang mga taga-SPEEd.

Ilan sa mga tumulong para maisakatuparan ang ikatatlong outreach program ng SPEEd ay ang Unilab, sa pangunguna ni Claire de Leon Papa, Healthy Family ng Manila Water, Wilson Flores ng Kamuning Bakery, Perci Intalan ng IdeaFirst Company.

Malaking suporta rin ang pinagkaloob sa out­reach program ng grupo sina Aileen Go ng Megasoft, Reí Tan ng Beautederm at PR/publicist na si Chuck Gomez.

Magaling na editor at scriptwriter nasa Anawim ni Bro. Bo

Speaking of Iskho, sobrang nakakalungkot na makita ang isang kaibigan sa ganung lugar.

Oo nga at malinis, conducive, at mababait ang mga namamahala, nakakalungkot na nasa lugar ka kasama ang ibang lolo’t lola na inabandona/iniwan ng kani-kanilang pamilya.

Mabuting kaibigan si Iskho na naging editor ng  entertainment/lifestyle section ng ilang tabloids at broadsheets.

Kilala siya sa pagiging matapang at mataray magsulat dahil nga magaling siyang writer/editor.

Sumikat din siyang scriptwri­ter. Kasama sa mga sinulat niya ang mga pelikulang Pagputi ng  Uwak Pag-itim ng Tagak, ang award winning film nina Rep. Vilma Santos and Bembol Rocco directed by Celso Ad Castillo.

Siya rin ang nagsulat ng classic movie na Pina­ka­magandang Hayop sa Balat ng Lupa ni Gloria Diaz; I can’t Stop Loving You starring Nora Aunor and Tirso Cruz III; Malikot ni Alma Moreno at marami pang ibang award winning film.

Nagtrabaho rin siya bilang Presidential Desk Editor sa Office of the Press Secretary under Sec. Sonny Coloma sa administration ni former Pres. Noynoy Aquino. ‘Yun ang huling trabaho niya.

Sadly ‘yun ang naging kapalaran ng buhay niya sa kabila ng lahat ng achievements bilang isang mahusay na writer/journalist.

Heartbreaking na hindi na siya naalala ng ibang mga dating kaibigan maging ng pamilya niya.

May ilang mga dumadalaw na kaibigan. Pero wala na ‘yung mga dating natulungan niya noon.

Life is so unpredictable. Kaya be grateful for eve­ry moment. Hindi mo alam ang magiging buhay mo.

Merong 77 elders na nakatira ngayon sa Ana­wim na madalas puntahan ng mga gustong mag-outreach kasama na ang maraming artista.

Kabilang sa mga dumalaw na doon at nagkawanggawa ay sina Marian Rivera, Liza Soberano, Angel Locsin among ­others.

Mabuti na lang at may katulad ni Bro. Bo Sanchez na naisipang magtayo ng ganitong klase ng pasilibidad na ang misyon ay kupkupin ang mga lola’t lolo na tinalikuran na ng pamil­ya at ang pakiramdam ay pabigat na sa kanila.

Sa mga gustong mag-donate, meron silang website at puwede rin kayong tumawag +632-710-5273, +639177303546 at +63922826642.

SOCIETY OF PHILIPPINE ENTERTAINMENT EDITORS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with