Nag-Viral na magkakalong na magkapatid sa school, nasa Magpakailanman
MANILA, Philippines — Noong iniwan si Alexis (11 years old) nang kanyang ina para maghanap nang trabaho sa Maynila, lingid sa kaalaman ng kanyang ina na sinasaktan siya ng kanyang stepfather. Ang kanyang mga mas batang kapatid na sina AJ na may Cerebral Palsy at Aljur ay kanyang inaalagaan.
Pero noong mas naging violent ang kanyang stepfather ay lumayas siya kasama ang kapatid na si AJ at naiwan si Aljur sa kanyang ama. Siya na ang dumidiskarte kung paano mapapakain ang kanyang kapatid. Nagpalipat-lipat sila ng bahay sa mga kapitbahay kung saan pansamantalang pwedeng matulog sila.
Para ‘di lumiban sa klase ay buhat-buhat ni Alexis si AJ patungong eskwelahan dahil wala na ngang mag-aalaga dito. 3 kilometro ang nilalakad niya para lang makapasok sa eskwelahan. Habang nagkaklase si Alexis ay kalung-kalong niya si AJ sa klase. Dahil dito kinunan ng litrato ng kanilang guro si Alexis na kalung-kalong ang bata habang nagkaklase. Nag-viral ang litrato sa social media at hinangaan si Alexis sa kanyang kasipagan at pagmamahal sa kanyang kapatid na may kapansanan.
Tinulungan ng eskwelahan sina Alexis at AJ at pinatira muna sa eskwelahan habang wala pa silang matutuluyan habang wala pa ang kanilang ina.
Ngayong darating na Sabado, Dec 1, inihahandog ng Magpakailanman ang isang kwento ng magkakapatid na nawalay sa kanilang ina, na natutong tumayo sa laban kahit sa murang edad pa lamang.
Ang Kuya na, Nanay Pa: The Alexis Peralta Story ay pinangungunahan ni JK Giducos kasama sina Ana Capri, Marco Alcaraz, Ervic Vijandre, Seth dela Cruz, Khaine dela Cruz, Kyle Kaizer, Jude Paolo Diangson, Euwenn Aleta, Chinggay Riego at Janna Dominguez.
Sa Panulat ni Loi Argel Nova, sa pananaliksik ni Gelox M. Launo at Direksyon ni Neal del Rosario.
- Latest