^

PSN Showbiz

Aktres lumba-lumba na naman!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Isang hapon ay nakita ng mga miron ang isang kilalang female personality habang naggo-grocery. Nagdalawang-isip pa ang mga ito dahil napakalaki na ng aktres. Baka raw dinadaya lang sila ng kanilang paningin.

?Ang unang naisip ng grupo ay ang actress-singer na ina ng isang sikat na young actor ang kanilang nakita, pero hindi, talagang ang aktres na sinubaybayan nila nu’n sa mga serye ang nagtutulak ng cart sa grocery.

?Sabi ng aming source, “Lumiit na siya nu’n, nag-gym na siya, kasi nga, e, may gagawin silang movie ng dating karelasyon niya, di ba?

?“Pero bumalik na naman pala sa dati ang katawan niya! Tumaba na naman siya nang husto? Nabalewala lang pala ang effort niyang magpapayat nu’n? Sayang na sayang naman.

?“May mga pictures pa nga siyang ipinost nu’n na malaki na ang nabawas sa timbang niya, marami nang naging masaya, lalo na ang mga fans niya, dahil sa wakas, babalik na siya sa pag-arte,” napapailing na kuwento ng aming impormante.

?Maluwag na t-shirt at shorts ang suot ng kilalang aktres habang nag-iikot siya sa grocery. May komento ang mga miron sa kanyang kalakihan ngayon.

?“Kitang-kita ng mga friends ko na habang naglalakad siya, e, gumagalaw-galaw ang mga excess fats niya sa hita. Sa sobrang kasyubaan niya, e, naggagalawan na ang mga taba-taba niya!

?“At hinusgahan pa siya ng mga nakakita sa kanya, malabo na siyang makabawi, parang mahihirapan na siyang magpapayat dahil sobrang pinabayaan na niya ang katawan niya. Hindi niya nakuha ang disiplina ang mga kapatid niya na talagang nag-eeport para lang hindi mapabayaan ang katawan nila.

?“’Yun ang problema sa girl na ito, matigas ang ulo niya, hindi siya nakikinig sa mga payo. Kung ano ang gusto niyang gawin, e, ‘yun na ‘yun!

?“Mula nu’ng magkaproblema sila ng husband niya, e, nagkaganito na siya. Ang lalaki, nakapag-move on na, nagtatrabaho na nga siya, di ba?

?“Pero itong girl, nagpabaya na siya talaga, ang ganda-ganda pa naman sana ng plano ng isang production sa kanya. Sayang na sayang siya!

?“Ang dati niyang karelasyon, nakabawi na rin, puro work ang inaatupag ngayon, pero siya naman, ganyan pa rin, matigas talaga ang ulo ng babaeng ‘yun!” naiinis na pagtatapos ng aming source.

?Ubos!

James at Michela matagal nang di nagsasama?!

Matagal nang umiikot ang kuwento tungkol sa paghihiwalay nina James Yap at Michela Cazzola. Maraming nanghihinayang kung totoo nga ang kuwento dahil kung kailan pa naging dalawa ang kanilang anak ay saka pa nangyari ang ganito.

?Nagsimula ang istorya nang lumabas ang balita na hindi na umuuwi sa kanilang bahay ang sikat na basketball player. Sa isang kilalang lugar umuuwi si James, pag-aari ‘yun ng pamilya ng isa ring basketball player, du’n nagduda ang marami na hiwalay na nga sila ng ka-live-in niyang Italyana.

?Pero mas tumingkad ang paniniwala ng kanilang mga kaibigan nang ikasal ang kapatid na babae ni James. Naglabas siya ng picture nilang magkakapatid na naka-formal suit, may inilabas din siyang family picture, pero wala ang kanyang mag-iina.

?Sa kulturang Pinoy nga naman ay dapat kumpleto ang magkakapamilya sa ganu’ng okasyon. Pero wala si Michela at ang dalawa nilang anak sa inilabas na retrato ni James.

?Nasa ibang lugar si Michela ka­sa­ma ang kanilang mga anak, nagbabakasyon daw, kung kailan naman may kasalan sa pamilya ng basketball player ay saka pa naisipang magbakasyon ni Michela?

?Wala pang kinukumpirma ang sinuman kina James at Michela tungkol sa balita, maaaring gu­ma­ga­wa pa sila ng paraan para maiayos ang kung anumang naging problema nila, puwede rin namang matagal na talaga silang hiwalay pero nananahimik lang sila.

?Tahimik si Michela Cazzola. Sa rami na ng pinagdaanan nilang kontrobersiya ni James Yap ay hindi ito nakikisawsaw.

?Tahimik lang ang Italyana. Wala itong pinagbibigyang ingterview. Trabaho-bahay lang ang ikot ng kanyang pang-araw-araw na buhay.

JAMES YAP

MICHELA CAZZOLA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with