^

PSN Showbiz

Mader Sitang miyembro nga ba ng sindikato?

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

“Isa pong fake news si Mader Sitang,” yan ang deretsahang pahayag ng dati niyang manager at producer dito sa Pilipinas na si Wilbert Tolentino pagkatapos niyang inilabas sa Facebook ang masaklap na nangyari sa Thailand nang pinuntahan niya roon si Mader Sitang.

Doon daw dapat ay magkasarahan na sila sa deal nila ni Mader Sitang na gagamitin ang pangalan nito sa mga produktong ilalabas sa bubuksan niyang online store na UBC Shopping is Helping.

Ang usapang 70% na kikitain ni Mader Sitang mula sa mabebentang produkto ay ayaw na niyang sundin dahil nagdi-demand na ito ng dalawang mil­yon baht na naging 20M baht na.

Kaya hindi na raw maganda ang trato nito na pilit pang kinukuha ang passport nito.

Dahil sa hindi na raw sila hinarap ni Mader Sitang, nagpatulong na ito sa ilang Thai people doon at nagsumbong sa Philippine Consulate doon.

Doon daw nila nalaman na hindi raw pala abogado si Mader Sitang at hindi rin daw totoong tumulong siya sa mga nasalanta ng Yolanda.

Nakausap namin si Wilbert kamakalawa sa press launch ng binuksan niyang online store na UBC Shopping is Helping na ginanap sa bar niyang One 690 sa Quezon City, sinabi niyang wala na raw siyang balak na kasuhan pa si Mader Sitang.

Gusto na raw niya itong ilibing sa limot at mag-move on na lang.

‘Yung mga nagawa niyang produkto gaya ng pabango, hair products na may tatak na Simply Sitang, tinanggal na lang daw niya ang label at ipamimigay na lang. Halos 20M din daw ang nagastos niya sa mga produktong iyun na i-endorse sana ni Mader Sitang.

Ngayon ay hindi na raw makatuntong ng Pilipinas si Mader Sitang dahil nagsampa na siya ng reklamo laban dito, blacklisted na raw ito. Pero aalamin pa namin kung talaga nga bang blacklisted ito.

Nilinaw na rin ni Wilbert na hindi raw siya nagpakalat na isang abugado at tumutulong sa mga mahihirap si Mader Sitang.

Sabi niya; “Ako po kasi ang tinuturo sa social media na ako naman daw ang nagpakalat na lawyer siya, tumutulong sa Yolanda victims.

“Bago ko pa siya nahawakan, talagang kumakalat na ganun na nga ang news niya at siya nga raw po ang lawyer, which is hindi pala.”

Kaya tinanong namin kung ano ba talaga si Mader Sitang.

“Actually, parang sindikato siya.

“Pinagtripan ako, eh. Parang naghahanap siya ng malaking isda na may kumuha sa kanya, which is isa ako sa nabiktima,” pahayag ni Wilbert.

Hunk actor na hindi nawawalan ng project, pa-booking ng P20K

Aware kaya si hunk actor na isang model/actor ang tumatayong agent para sa isang mayamang bading na nagkakagusto sa kanya?

Nakarating sa akin ang kuwento ng mayamang bading na type na type pala itong si hunk actor nang mag-meet sila sa isang showbiz event.

Ang dinig daw niya kasi ay nagpapa-booking pa rin itong si hunk actor sa mga mayayamang bading at pati sa matrona kaya inalam niya talaga kung puwede ba niyang makuha at kung magkano.

Dito pumasok si model/actor na kaibigan pa rin pala ni mayamang bading.

Nagpapa-booking pa rin nga raw itong si hunk actor at itong si model/actor ang tumatayong agent. Sa halagang 20 thousand pesos daw ay okay na raw kay hunk actor.

Biglang atras si mayamang bading dahil may pagka-kuripot pala ito at ayaw maglabas ng 20 thousand para sa isang gabing booking kay hunk actor.

Nang kinuwento sa amin ng mayamang bading ang tungkol sa booking kay hunk actor, sinabi namin sa kanya na bumaba na pala ang presyo niya, dahil nabalitaan na namin noon na na-book din siya noon sa halagang 30 thousand.

Pero parang ayaw pa rin namin maniwalang nagpapa-booking pa rin pala itong si hunk actor kahit hindi naman siya nawawalan ng raket at regular show.

MADER SITANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with