^

PSN Showbiz

Ciara inilantad ang bf, estranged husband nabuko na ang bagong ’karelasyon’

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Ciara inilantad ang bf, estranged husband  nabuko na ang bagong âkarelasyonâ
Ciara at BF

Inilantad na ni Ciara Sotto ang boyfriend niya sa social media kahapon. “Happy Birthday my love!”

Ian Austin ang name ng nasabing karelasyon ngayon ni Ciara na ayon sa kanyang IG account na naka-private ay ‘propbuilder/sculptor.’

In all fairness, profile photo ni Mr. Austin ang photo niya with Ciara and her son with estranged husband Jojo Oconer.

Nabalita nang nag-file ng annulment si Ciara.

Speaking of Jojo Oconer, isang super reliable source ang nagkuwento dawit daw ang pangalan nito sa isang malaking eskandalo na anytime ay ‘sasabog’ na.

Nagkaroon diumano ng quick relationship si Mr. Oconer sa isang personality na sikat.

Ito kaya ang rason kaya nilantad na rin ni Ciara ang kanyang BF?

s

PSN best tabloid sa PUP 3rd mabini awards

For the third time, ang Pilipino Star Ngayon ang nanalong Best Tabloid Newspaper 3rd Mabini Media Awards ng Polytechnic University of the Philippines.

In all fairness, hindi madaling manalo sa PUP bilang sila ang may pinaka-maraming estudyante sa lahat ng State University sa bansa.

Last year, 65,000 (students, faculties and offi­cers) ang bumoto and this year 50,000 dahil isinabay na nila sa school anniversary. Eh usually ay ginaganap ang Mabini Media Awards tuwing December.

And College of Mass Communications ang organizer ng Mabini Awards headed by Prof. Divina Pasumbal.

Pinarangalan ng Mabini Awards ang mga media/individuals na nagbibigay ng ‘quality and responsible media content and information to the public.’

Consistent ang pagkilalang natatanggap ng PSN sa pagbibigay nito ng balance information/news sa mga mambabasa hindi lamang sa dyaryo kundi maging sa online (philstar.com/ngayon).

Sa panahon ng fake news, hindi nakikiuso ang PSN sa pang-a-attract ng readers sa pamamagitan ng pamemeke ng kuwento o pag-iimbento.

Kaya naman countless times na ring nakakatanggap ng parangal ang PSN.

Sa taong ito, nauna nang nanalo ang aming dyaryo sa Alta Media Icon Awards 2018 - University of Perpetual Help System Dalta Las Piñas.

Kapamily tuluy-tuloy ang transition na maging isang digital company

Kabilang na ang Batanguenos sa mga makakapanood ng channels gamit ang ABS-CBN TVplus, ang unang digital terrestrial TV product, dahil nagsimula nang mag-broadcast sa digital TV ang Kapamilya network simula noong Nobyembre 10 sa nasabing probinsiya.

Opisyal na ipinakilala ang ‘mahiwagang black box’ sa Batangas sa isang ceremonial switch-on event sa Lipa City Youth and Cultural Center.

Hudyat ang bagong signal coverage area sa pangunguna ng ABS-CBN sa paglipat ng viewers sa digital television mula analog bago sumapit ang 2023 deadline na itinakda ng gobyerno.

Isang espesyal din na concert ang inihandog nila sa mga taga-Batangas. Dumalo sa selebrasyon sina Richard Gutierrez, It’s Showtime Hashtag members McCoy De Leon, Charles Kieron, Rayt Carreon, at Maru Delgado; pati ang Tawag ng Tanghalan artists kabilang ang TNT Divas na sina Rachel Gabreza at Remy Luntayao; Aila Santos; Hazelyn Cascano ng HALA; TNT Cove Christian Bahaya, JM Bales, at Sofronio Vasquez; at sina Jex de Castro, Mark Michael Garcia, Tuko delos Reyes, at Reggie Tortugo.

 Bukod sa free TV channels na ABS-CBN at ABS-CBN S+A, masusubaybayan na rin ng mga residente sa Batangas ang Sorpresaya, isang weekday game show kung saan host sina Kapamilya komikeros Jobert Austria at Nonong Ballinan kasama si It’s Showtime Miss Q & A  finalist, Elsa Droga. Umeere ito sa TVplus exclusive channel na CineMo, isang all-day movie channel. Napapanood din sa CineMo ang foreign at local classic at action movies na pinagbibidahan nina Fernando Poe Jr., Dolphy, Robin Padilla, at marami pang iba.

Magugustuhan naman ng mga bata ang isa pang TVplus exclusive channel na YeY, isang all-day kids entertainment channel na nagpapalabas ng sikat na cartoon shows tulad ng Spongebob Squarepants, The Adventures of Jimmy Neutron, Paw Patrol, My Hero Academia, at Digimon Adventure Tri, pati na ang all-kids daily show, Team YeY.

Nakabenta na umano ng 6.2 million ABS-CBN TVplus boxes noong katapusan ng Oktubre ang ABS-CBN, na nag-transition ngayon na maging isang digital company.

CIARA SOTTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with