^

PSN Showbiz

Aktor na dating alalay ng bida, nawalan ng pelikula dahil sa kahambugan

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Pinagkumpara sa isang umpukan ang mga ugali ng dalawang lalaking personalidad na may kuneksiyon dahil si Actor A ang pumalit sa pelikulang dapat sanang pagbibidahan ni Actor B.

?Nagkaroon ng problema si Actor B at ang produksiyon, hindi nagusutuhan ng mga nagpapatakbo ng proyekto ang kanyang kaangasan, meron na silang malinaw na pinag-usapan pero biglang nag-back out si Actor B.

?Dahil sa matinding problemang ibinigay niya sa outfit ay kumuha ng kapalit niya ang direktor, isang male personality na kilala sa husay sa pag-arte ang kanilang ipinalit, kaya napagkukumpara nila ngayon ang magkaibang ugali ng dalawang aktor.

?Umpisang kuwento ng aming source, “Mabilis na umakyat sa ulo ni Actor B ang popularity. To think na hindi naman siya ang bumida sa movie kung saan siya napansin, amiga lang siya ng bida, pero mabilis lumaki ang ulo niya.

?“Maraming nakapansin agad sa hindi kagandahang ugali niya, umangas na siya, saka maraming reklamo, samantalang hindi pa naman siya sikat,” kuwento ng aming impormante.

?Ang pumalit kay Actor B ang puring-puri ng kanilang mga artista, wala raw kaproble-problema kay Actor A, ni konting angas ay walang-wala ito.

?Balik-kuwento ng aming source, “Napakalayo ng attitude nila, no comparison, hindi nagbibigay ng problema sa production si Actor A. Alam niya ang ginagawa niya.

?“Alam niya na kapag nag-commit siya, e, kailangan niyang tuparin ‘yun. Alam niya na mahalaga ang word of honor. Saka di hamak na mas magaling siyang umarte kesa kay Actor B na overrated lang!

?“Maraming kaartehan sa buhay si Actor B, marami siyang hinahanap at inirereklamo, ang feeling kasi niya, e, sikat na sikat na talaga siya!

?“Kung ‘yung mismong bida nga sa movie kung saan siya napansin, e, humble lang, siya pa ba namang kabig lang ng bida ang mag-uumangas?” nakakunot-noo pa ring ariba ng aming impormante.

?May mga nagkokomento na hanggang d’yan lang ang career ni Actor B. Parang bula na nand’yan ngayon pero sa isang ihip lang ay biglang puputok-mawawala.

?“Ang tawag sa kanya ng mga taong alam ang ugali niya, e, Pinocchio. Kung bakit, kayo na ang humusga!” pagtatapos ng ­aming source.

?Ubos!

Gerald tinututukan ang pagpa-pilot

Bukod sa pagiging head badminton coach ng iba-ibang kolehiyo ay kumukuha rin ng kursong Aeronautics ang mister ng Comedy Concert Queen na si Gerald Sibayan.

?Lumiban muna sa pagtuturo ng badminton si Gerald, kailangan niyang tumutok nang husto sa kursong matagal niya nang pinapangarap, bata pa lang si Gerald ay gustung-gusto na niyang makapagpalipad ng eroplano.

?Kuwento ni Gerald nang huli naming makausap, “Part naman po talaga ng kabataan ng mga batang lalaki ang makapagpalipad ng plane. Nu’ng bata pa po ako, basta may dumadaang eroplano sa laruan namin, e, kumakaway-kaway pa kaming magkakaibigan.

?“Takang-taka ako kung bakit nakakalipad ang eroplano, samantalang napakabigat nu’n! So, matagal ko na talagang pangarap na maging piloto. Heto na ang chance, hindi ko na po ito sasayangin pa,” naniningkit lalo ang mga matang kuwento ng mister ni AiAi delas Alas.

?Lingguhan lang sila kung magkita ngayon, sa Subic nag-aaral si Gerald, pero napakalawak ng sakop ng teknolohiya para sa bukas nilang komunikasyon.

?Naninibago si Gerald sa sitwasyon niya ngayon dahil mula nang maging magkarelasyon na sila ng Co­medy Concert Queen hanggang nang magpakasal na sila ay araw-araw silang magkasama.

?“Pero marami namang paraan para sa communication namin, daily ko silang nakukumusta ng mga anak niya, ilang beses kaming nagkakausap sa maghapon.

?“Busy siya, busy rin ako, para rin naman po sa future namin ang ginagawa ko,” komento pa ni Gerald.

?Masikap sa buhay ang asawa ni AiAi, puring-puri nito si Gerald nu’ng nag-aaral pa, napakalayo ng La Salle sa kanilang tirahan pero madaling-araw pa lang ay umaalis na siya sa bahay para hindi mabiktima ng trapik.

?“Believe ako sa discipline ni Ge, sanay na ako sa trabahong wala halos pahingahan, pero iba siya, sobrang disiplinado,” kuwento pa ni AiAi.

GERALD SIBAYAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with