Magic Land ni Peque Gallaga hindi naihabol sa MMFF
Hindi pala naihabol ni direk Peque Gallaga ang pelikula niyang Magic Land sa Metro Manila Film Festival dahil sa hindi pa niya natapos ang principal photography.
Kaya lalo nilang pinaganda ngayon para sa MMFF 2019 na nila ito i-submit.
Ang Congressman ng Negros Occidental na si Cong. Albee Benitez ang producer nito, at nabanggit niyang nasa post production na ang naturang pelikula. Medyo matatagalan lang daw ang post prod dahil may animation pa ito.
Malaking challenge sa kanila ang naturang pelikula dahil walang big stars na bida rito. Si Miggs Cuaderno ang gumaganap sa main character at marami pang mga batang artista ang involved.
Naniniwala silang ang ganda ng pelikula ang ibebenta hindi big stars.
Ginawa nila ang pelikulang ito dahil bahagi lang ito sa promo ng bagong theme park na pinagawa niya sa Negros.
Next year na raw ito bubuksan at tamang-tama lang matatapos na rin itong pelikula.
Magandang ideya rin daw kung i-submit na rin ito para sa MMFF 2019, at makakatulong na rin sa kanyang theme park para sa mga taga-Negros.
Movie production ang isa sa gustong gawin ni Cong. Albee pagkatapos ng term niya bilang Congressman ng 3rd district ng Negros Occidental.
Nasimulan na niyang mag-finance sa ilang movie projects kagaya ng BuyBust, at gusto pa niyang gumawa ng marami pang pelikula.
“Gusto ko yung mga simple lang na pelikula, kasi ‘yun na rin ang gusto ng mga tao ngayon,” pakli Cong. Albee.
Kaya pagkatapos nitong Magic Land, asahang marami pang pelikulang gagawin ni Cong. Albee.
Bangky nailibing na
Nakiramay ang grupo ng dating teleseryeng Forevermore sa burol ng character actor na si Bangky o Nonong de Andres.
Pinangunahan ng magka-loveteam na Enrique Gil at Liza Soberano ang pakikiramay kasama ang iba pang cast na sina Joey Marquez at Pepe Herrera.
Na-cremate siya pagkatapos ng isang gabing lamay, at ang mga abo nito ay inilibing na sa Loyola Memorial Park sa Sucat nung nakaraang Sabado, November 10 ng hapon.
Ang pamangkin ni Bangky na si Powee Capino ang nagpahayag ng pasasalamat sa lahat na mga nakiramay lalo na sa LizQuen.
Ani Powee; “We would like to thank Liza Soberano and Enrique Gil for visiting the wake last Friday night.
“The cast of Forevermore who devoted their time to talk about Tito Nonong will always be cherished by our family.
“We would also like to express our gratitude to LizQuen fans who sent me messages expressing their condolences and telling us how much they would miss Tito Bangky.”
Pati ang taga-ABS-CBN 2 Creatives at Sen. Allan Peter Cayetano at ang asawa nitong si Mayor Lani Cayetano ay nagpaabot din ng pakikiramay.
Nagpadala rin si Sen. Bong Revilla ng bulaklak dahil nakatrabaho niya noon si Bangky.
Kahit nga ang pamilya Quizon ay close rin kay Bangky na suportado raw noon ni Dolphy.
- Latest