Zanjoe at Maja hindi OA sa Some Buddy!
Parang Korean movie ang To Love Some Buddy nina Zanjoe Marrudo and Maja Salvador.
Ang cute at nakaka-in love sila sa pelikula.
Hindi OA ang kilig at iba ang approach ni Direk John Paul Laxamana sa kuwento nina Faith at Julius na mag-bestfriends pero nagka-inlaban pero doon nagkaroon ng matinding conflict sa kanilang samahan.
Very light ang atake at natural ang acting ng mga bida.
Sa story talaga nag-uumpisa ang buhay ng pelikula. Pag maganda ang kuwento mo, susunod na lahat.
Kahit ano kasing galing ng director mo pag panget naman ang kuwento, nganga rin.
Pero itong To Love Some Buddy, entertaining. Consistent ang acting nila at mga eksena.
Graded A ang pelikula ng Cinema Evaluation Board (CEB) na showing sa theaters nationwide starting Wednesday, October 31.
- Latest