Eva talunan din sa Grand International
SEEN: Nagulat si Xian Lim nang mag-collapse si Miss Paraguay Clara Sosa nang i-announce niya ang pangalan ng kandidata bilang winner ng Miss Grand International 2018 na ginanap noong Huwebes nang gabi sa Yangon, Myanmar. Si Xian ang nag-iisang male host ng beauty pageant.
SCENE: Luhaan sa Miss Grand International 2018 ang Philippine candidate na si Eva Patalinjug. Hindi man lamang nakalusot si Patalinjug sa semi finals.
SEEN: Ang OA na apela ng beauty queen fans sa Bb. Pilipinas Charities Inc. na huwag nang magpadala ng kandidata sa Miss Grand International dahil natalo si Eva Patalinjug. Ganito rin ang panawagan nila sa organizer ng Bb.Pilipinas nang matalo si Michele Gumabao sa Miss Globe 2018 noong October 21. Mas masuwerte si Gumabao dahil kabilang siya sa Top 15 candidates ng Miss Globe.
SCENE: Sina Regine Velasquez, Enrique Gil at Piolo Pascual ang tumanggap ng pinakamalakas na palakpak sa ASAP Live sa Sydney, Australia noong October 20. Ang Sydney show ang mapapanood bukas sa ASAP ng ABS-CBN.
SEEN: Family comedy movie ang project nina Maricel Soriano at Susan Roces sa Regal Entertainment Inc. Si Eric Quizon ang direktor ng pelikula na uumpisahan ang shooting sa 2019.
SCENE: Ngayong umaga, 11:30 am, ang pilot telecast ng How To Be You, ang bagong lifestyle show ng GMA News TV. Si Wil Devaughn at ang mag-asawang Diana Zubiri at Andy Smith ang mga host ng How To Be You.
SEEN: Ipagdiriwang ni Patricia Javier ang 20th anniversary niya sa showbiz sa pamamagitan ng isang concert for a cause sa Music Museum sa November 16, 2018.
- Latest