^

PSN Showbiz

Mga kasali sa 14th Cinema One, naka-focus sa krimen

Debbie Castillo - Pilipino Star Ngayon
Mga kasali sa 14th Cinema One, naka-focus sa krimen
Sa pagtataguyod ng originality ng mga Pinoy, susuportahan din ng Cinema One Originals ang isa pang klase ng produktong lokal sa labas ng sinehan sa pakikipag-ugnayan nito sa e-commerce website na www.karton.ph.

MANILA, Philippines — “I Am Original” ang tagline ng 14th Cinema One Originals. Parehong deklarasyon ito ng filmma­kers at performers, at pangako, na ang mga tampok na pelikula ay hindi lang maganda kung hindi ‘flawsome’.

Sa pagtataguyod ng originality ng mga Pinoy, susuportahan din ng Cinema One Originals ang isa pang klase ng produktong lokal sa labas ng sinehan sa pakikipag-ugnayan nito sa e-commerce website na www.karton.ph. Tampok ang iba’t ibang authentic at handcrafted Filipino products nito sa festival, kabilang na ang gourmet at artisanal food  & beverages, natural & organic wellness at beauty products, mga libro, home décor, paintings, accessories, bags at iba pa. Mabibili ang ilan sa mga produkto mula sa nasabing website sa festival.

Nakasentro sa krimen ang karamihan sa mga kwento ngayong taon ngunit mula sa iba’t ibang perspektibo.

Ang A Short History of a Few Bad Things ni Keith Deligero ang pinaka-diretsahan, isang noir procedural na may temang socio-political.

Inilalarawan naman ng What Home Feels Like director na si Joseph Abello ang kanyang ikalawang pelikula na Double Twisting Double Back bilang sports crime film na nakasentro sa buhay gymnast.

Ang Hospicio, na nagsisilbing pagbabalik ni Bobby Bonifacio sa paggawa ng pelikula, ay tila sequel sa kanyang Numbalikdiwa, na nagsimula sa isang krimeng hindi matagumpay at nauwi sa isang hospiyong tila nababalot ng lagim.
Nagbabalik si Carl Papa sa isang animated feature na may titulong Paglisan, na tungkol sa mag-asawang nagsisikap buhayin ang kanilang pagsasama habang hinaharap nila ang pagsubok ng sakit na dementia.

Tungkol naman sa isang transgender na magi­ging surrogate mother sa kanyang transgender na pamangkin ang Mamu And A Mother Too ni Rod Singh.

Kwento ng Pang MMK ni John Lapus ang buhay ng isang binatang bumisita sa libing ng kanyang amang malayo sa kanya, na magdadala sa mga hindi inaasahang pangyayari.

Ang Never Tear Us Apart ni Whammy Alcazaren ay iikot sa Third World espionage na may halong old country folklore.

Kakaiba rin ang Asuang ni Rayn Brizuela na tungkol sa kwentong superhero inversion. At ang Bagyong Bheverlyn ni Charliebebs Gohetia ay iikot naman sa isang sawi sa pag-ibig na babae na malalamang may bagyong nalalapit, ang bagyo na mula sa kanyang sariling nararamdaman at upang mapigilan ang pamiminsala nito ay kailangang ha­na­pin niya ang kanyang kaligayahan.

Ang Cinema One Originals ay binuo sa ilalim ng festival partnership program sa Film Development Council of the Philippines (FDCP). Abangan ang lahat ng mga tampok na pelikula simula Oktubre 12 hanggang 21 sa TriNoma, Glorietta, Gateway, Santolan Town Plaza, at sa Powerplant; sa Cinelokal theaters—SM North Edsa, SM Megamall, SM Manila, at SM Sta. Mesa, at sa alternative ci­nemas—FDCP Cinematheque Manila, UP Cine Adarna, Cinema ’76, Black Maria Theater at Cine­ma Centenario.

Mabibili ang ticket sa halagang P200 bawat isa para sa major at alternative cinemas, at sa halagang P150 naman para sa mga estudyante at sa SM CineLokal theaters.

Barbie aminadong smart actor na!

Consistent ang pagpapasaya ng seryeng In­day Will Always Love You (IWALY) sa tele­viewer. Hanggang sa finale nito ngayong Biyernes, ma­­rami pang pasabog na eksena ang dapat aba­ngan sa rom-com series na ito na pinagbibidahan ni Barbie Forteza bilang si Happylou Magtibay.

Nagbabalik si Ericka (Kim Rodriguez) upang ipahamak muli si Happylou. Habang nakasakay silang tatlo nina Happylou at Patrick (Derrick Mo­nas­terio) sa kotse, isang malaking aksidente ang magaganap. Mahuhulog ang sasakyan sa tulay at ba­bagsak sa ilog. Sa nasabing trahedya ay may magbubuwis ng buhay.

Samantala, tatakas na si Amanda (Gladys Reyes) sa mansiyon matapos niyang makuha ang mga nakatago niyang pera. Hanggang sa huli, hindi niya pata­ta­himikin ang pamilya ni Happylou. Magkakaroon pa nga ba ng happy ending ang love story nina Patrick at Happylou?

Produced ng GMA Public Affairs ang IWALY na siyang comeback project ni Barbie sa primetime.

Bukod sa pangunguna nito sa ratings, naging usap-usapan din sa social media ang mga episode nito. At mula noon nga ay nanatili itong isa sa mga top program sa primetime block.

Aminado si Barbie na malungkot siya sa pagtatapos ng IWALY: “But you know what they say, ‘Even good things must come to an end,’ pagbabahagi niya. Mami-miss niya nga raw ang bagong pamilyang nabuo sa seryeng ito lalo na sina “Derrick, Juancho, Kim, Ms. Manilyn, Ms. Nova, Direk Ricky, and Ms. Gladys.”

Ano nga ba ang natutunan ni Barbie sa IWALY? “How to be a smart actor. Don’t just do the scene, work it,” sagot niya.

Pinuri ng manonood at netizens ang pagtampok ng IWALY sa Cebu—mula sa mayaman nitong kultura hanggang sa ganda ng mga tanawin dito. Ilang beses lumipad ang cast pa-Cebu upang maipakita sa serye ang local flavor ng Cebu.

Bukod dito, approved din sa mga manonood ang pagsentro ng programa sa halaga ng pamilyang Pilipino at kung paano itong nananalig at minamahal ang bawat miyembro ng pamilya upang harapin ang mga pagsubok sa buhay.

Lubos ang pasasalamat ni Barbie sa viewers na tumutok sa IWALY mula umpisa.

Kasama rin ni Barbie sa IWALY ang veteran actors na sina Ricky Davao, Nova Villa, at Tina Paner; at sina Juancho Trivino, Charisse at Charlotte Hermoso, ‘Kimpoy Feliciano, Buboy Villar, Mzhayt at Price Tagg, at si Super Tekla.

Sina Monti Parungao, Rember Gelera, at Jeffrey Hidalgo naman ang direktor ng serye sa panulat nina Zig Dulay, Nathan Arciaga, at Volta de Los Santos.

Samahan si Happylou sa finale ng Inday Will Always Love You, ngayong Biyernes pagkatapos ng Onanay sa GMA Telebabad.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with