^

PSN Showbiz

Mahaderang sexy star, inutangan ang nilalait na aktres nang maging dukha

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Mga leksiyon ng buhay ang natutuhan ng isang female personality nang harap-harapan. Hindi ‘yun basta mga kuwento lang, hindi tsismis lang, siya mismo ang nakasaksi sa pabolosang buhay nu’n ng mga kasamahan niyang artista na ilang taon lang pagkatapos ay naghirap na.

Tinataas-taasan lang siya ng kilay nu’n ng isang sumikat na sexy star, kapag dumadaan siya sa harapan nito ay dinig na dinig niya ang sinasabi ng sexy star, “Da who?”

Minsan naman, habang parating siya para mag-guest sa isang talk show ay dinig na dinig niya uli ang mahaderang aktres, “Cinex films?”

Natural, nasasaktan siya, pero hindi na lang siya kumibo dahil ano ba naman ang laban niya sa sikat na sexy star na kahit sino naman ay inaaway nang kahit walang dahilan?

Kuwento ng aming source, “Grabe siyang lait-laitin nu’n ng sexy star! Palib­hasa nga, e, sikat na sikat siya nu’n, kaya kahit sinong artistang nagpapa-sexy rin, e, nakakatikim ng pangmemenos mula sa kanya.

“Nakita niya ang isang nagpapa-sexy rin, kung anu-anong pintas na ang pinagsasabi niya. Kesyo retokado lang daw naman ang babaeng ‘yun, kaya gumanda!

“Hello naman! E, siya kaya, hindi ba’t de-primera nga siyang salamat po, doktor? Wala pa siyang datung nu’n, kaya iba muna ang nagbayad ng ipinaretoke niyang boobs?

“Nagtengang-kawali na lang ang baguhang sexy star, ganu’n nga talaga siguro, kapag sikat na ang artista, e, yumayabang na. Tiniis lang niya ang panlalait ng sexy star sa kanya,” simulang kuwento ng aming source.

Fast forward na tayo. Gumanda ang kabuhayan showcase ng sexy star na nilalait-lait, nagkaroon siya ng karelasyong madatung, kaya sunod ang layaw niya sa buhay, kahit hindi na siya nagtatrabaho.

Nagkawindang-windang naman ang buhay ng sikat na sexy star na palagi siyang nilalait, magulo ang naging takbo ng personal na buhay nito, nagkaroon pa ito ng bisyo.

Balik-kuwento ng aming source, “Nagulat na lang si sexy star na nilalait-lait dahil tumawag sa kanya ang laiterang sexy star! Mababa ang boses, nangungutang sa kanya ang babae!

“Ang nilalait-lait pa niya ang inutangan niya, baligtad na kasi ang mundo, wala na siyang kadatungan at wala na rin siyang mga projects! Pinautang naman siya ng nilalait niya, talagang kinunsensiya siya, bayaran man niya o hindi ang utang, okey na sa nilalait-lait niyang dating sexy star!

“Ang buhay nga naman, parang gulong, umiikot at binabalikan ang mga taong mapagmalabis. Dahil du’n, e, lalong naging humble ang sexy star, ayaw niyang tularan ang nanglait sa kanya, dahil baka bukas-makalawa, e, pagtampuhan din siya ng kapalaran,” pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Rowell dinala ni Coco sa spotlight

Hanggang ngayon ay hindi pa rin maka-move on ang mga regular na tagasubaybay ng FPJ’s Ang Probinsyano sa nakakikilabot na eksenang kinunan sa sementeryo habang hinuhukay ang mga bangkay ng mag-iina ni Rowell Santiago na gumaganap bilang presidente sa serye.

Pang-award naman kasi talaga ang eksenang ‘yun, naghahalu-halo ang pawis, sipon at luha ng actor-director habang niyayakap-hinahagkan niya ang mga bangkay ng kanyang mag-iinang pinaslang ng mga kalaban niya sa pulitika.

Komento ni prop, “Walang karamut-ramot sa katawan si Coco Martin. Ibinigay niya talaga ang moment kay Rowell, kumbaga sa singer, e, back-up lang siya nu’ng kunan ang mga eksena sa sementeryo.

“Ganu’n ang magaling na leader, hindi maramot, walang insecurity, ibinabahagi niya sa ibang mga kasamahan niya ang mga ilaw at camera,” papuri ni prop sa Action Serye King.

Pero hindi natin alam na nu’ng kunan pala ang mga eksena ni Rowell sa paghuhukay ng mga bangkay ay ikaapat na taong anibersaryo ng kamatayan ng kanyang dakilang inang si Mamaling.

“Nakakakilabot nga. 4th death anniversary ni Mamaling nu’ng kunan ang eksenang ‘yun. Tatlong bangkay ang hinukay at binuksan, kaya hindi lang siya ang kasama ko kundi pati sina Papa Pablo at Ryan na anak ni Randy.

“Tatlo silang kasama ko that night, tatlo rin ang hinukay na bangkay, what a coincidence,” kuwento ni Rowell Santiago.

ROWELL SANTIAGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with