^

PSN Showbiz

Anak ni Gabby luhaan sa Miss U Sweden

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Anak ni Gabby luhaan sa Miss U Sweden
Cloie

Luhaan sa Miss Universe Sweden 2018 si Cloie Syquia Skarne dahil iba ang nanalo ng beauty title na pinupuntirya niya.

Hindi pa naman huli ang lahat dahil puwede pa si Cloie na mag-join sa Miss Universe Sweden sa susunod na taon. Gamitin na lang niya na inspirasyon si Pia Wurtzbach na tatlong beses na sumali sa Bb. Pilipinas bago nakuha ang Miss Universe Philippines crown at eventually, nanalo na Miss Universe noong 2015.

Sa mga anak ni Gabby Concepcion, si Cloie ang mahilig sumali sa mga beauty pa­geant.

In fairness kay Cloie, nag-win ito ng Miss Earth Sweden title noong 2016 at nakabalik siya sa Pilipinas para sa Miss Earth beauty pageant.

Nang sumali si Cloie sa Miss Universe Sweden ngayong 2018, nag-reinvent siya ng itsura dahil ipina-blonde niya ang kanyang black hair. Hindi yata hiyang si Cloie sa blonde hair kaya runner up lang siya sa contest na sinalihan.

Na-feel agad ng mga Pinoy na natalo si Cloie sa Miss Universe Sweden dahil hindi agad nag-post sa social media ang kanyang nanay na si Jenny Syquia.

Ibang-iba ang scenario nang manalo si Cloie na Miss Earth Sweden noong 2016 dahil super post sa social media si Jenny na proud na proud sa achievement ng anak niya kay Gabby.

Maymay nahanap ang dating teacher

Guest sa grand gathering ng Gabay Guro sa Mall of Asia Arena noong Linggo ang young actress na si Maymay Entrata.

Masayang-masaya ang bagets dahil nagkita sila sa Gabay Guro ng teacher niya bago siya naging artista.

Libo-libo ang mga guro na dumalo sa 11th anniversary celebration ng Gabay Guro at sa lawak ng MOA Arena, talagang nagkrus pa ang landas ni Maymay at ng teacher niya na pinuntahan siya sa backstage.

Sa totoo lang, marami ang mga inspiring story tungkol sa mga guro. Hindi talaga nagkamali si Gabay Guro Chairperson Chaye Cabal-Revilla sa misyon at advocacy nito na bigyan ng parangal at pagpapahalaga ang mga teacher.

For the past eleven years, looking forward ang mga guro sa annual grand gathering na very special treat sa kanila ng Gabay Guro at ng PLDT.

Pagtataray ng client sa social na lugar, sa salmon lang nag-umpisa

Luma na pala as in three months old na ang video na kumakalat tungkol sa pagtataray sa female client ng isa sa mga officer ng Manila House, ang private membership club sa Bonifacio Global City.

Nagkaroon ako ng interes sa video dahil dalawang beses na akong  nakapunta sa Manila House, sa birthday party ni Bambbi Fuentes noong January at sa birthday lunch nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho, Jr. para sa amin ni Papa Ricky Lo noong May 2018.

Sosyal na sosyal ang Manila House na exclusive para sa kanilang mga member kaya big news ang old video clip na kumakalat at pinagpipistahan sa social media mula pa noong Linggo.

Nakakaloka ang insidente na nag-ugat dahil sa size ng salmon fish.

Nag-melt down ang male officer ng Manila House na tinalakan, minura at inagaw ang cellphone ng female costumer na composed na composed.

Nang kumalat ang video, naglabas agad ng statement ang Manila House at ang kompanya na pinag­lilingkuran ng female client. Nakasaad sa statement na naayos na ang problema dahil nagkaroon ng amicable settlement ang mag­kabilang-panig.

Curious ang mga intrigera at tsismosa, sino ang nagpakalat ng three month-old video na puwedeng makaapekto sa Manila House na favorite place pa naman ng mga sos­yal at ng mga sikat na perso­nalidad mula sa showbiz at politics.

CLOIE SYQUIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with