^

PSN Showbiz

Dating singer-actress na si Vilma Valera pumanaw sa Amerika

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Dating singer-actress na si Vilma Valera pumanaw sa Amerika
Vilma

Ang dating singer-actress na si Vilma Valera na sumikat nung dekada sisen­ta ay sumakabilang-buhay nung nakaraang Biyernes ng umaga, September 21 (Friday) sa Sacramento, Ca­lifornia, USA.

Si Vilma ay naging aktibo sa kanyang showbiz career nung `60s at nakagawa rin siya ng ilang pelikula noon tulad ng Nag-uumpugang Bato in 1961, Duelo sa Sapang Bato in 1963, Salambao in 1964 at ilang musical movies at kasama na rito ang dance-musical movie na Boogaloo which she co-starred at siya rin ang kumanta ng theme song.

Nakapag-record si Vilma ng albums and singles under Jonal Records tulad ng I’ll Always Love You (Day After Day), One Day Soon, Just You (Hey You) at ang sarili niyang version ng James Brown classic na I Got You ( I Feel Good) at iba pa.

During the `60s, silang dalawa ni Helen Gamboa ang magkaribal sa pagi­ging dancing queen, the title of which  was given to Helen.  Nakilala si Helen as The Dancing Queen of Philippine Cinema.   Helen and Vilma  both co-starred sa hit dance-musical movie na Boogaloo nung 1964.  Pagpasok ng `70s ay nagdesisyon si Vilma na mag-migrate sa California, USA kung saan siya nakapag-asawa ng isang US airforce captain at nagkaroon sila ng dalawang anak, isang lalake at isang babae na pareho nang may sariling pamilya. Sumakabilang-buhay na rin ang mister ni Vilma years ago.

Bukod kay Helen Gamboa, very close din si Vilma sa veteran actress na si Divina Valencia at isa iba pang US-based veteran singers and actors tulad nina Miriam Jurado, Rebecca Quintana at iba.

During her prime, si Vilma ay nakakontrata sa Larry Santiago Productions na nagsimula nung 1950s.

Ayon kay Divina Valencia (ang kanyang best friend), si Vilma ay sumakabilang-buhay ng 6:05 a.m. US time sa isang pagamutan in Sacramento na may kinalaman sa kumplikas­yon sa sakit nitong diabetes. She was 74.

Pelikula nina McCoy at Elisse tuloy na

Nag-create ang Star Cine­ma ng bagong film outfit, ang Blacksheep Productions para ito ang mag-produce ng movie na pang-millennial ang tema tulad ng kanilang debut movie na Exes Baggage na pinagtatambalan ng ex-couple na sina Angelica Panganiban at Carlo Aquino na dinirek ni Dan Villegas.

Although ipapalabas pa lamang on September 26 ang movie ng CarGel (Carlo and Angelica), naka-line-up na rin ang next two projects ng bagong film outfit tulad ng To Love Somebody na pagtatambalan nina Maja Salvador at Zanjoe Marudo with Jason Paul Lacsamana at the helm.  Nariyan din ang Sakaling Maging Tayo na pagtatambalan naman ng magkasintahang McCoy de Leon at Elisse Joson.

Lani iniyakan din kahit ang anak sa iba ni Bong 

Last Friday night ay magkasamang nag-guest ang mag-inang Lani Mercado at Bryan Revilla sa programa ng King of Talk, ang Tonight with Boy Abunda na may kinalaman sa upcoming movie ­re­lea­se ng Imus Productions, ang Tres, isang trilogy action-packed movie na pinagbibi­dahan ng magkakapatid na Bryan, Jolo at Luigi Revilla na magkakahiwalay na pi­na­mahalaan nina Ri­chard Somes at Dondon Santos.

Inamin ng mayor ng Bacoor na si Lani Mercado na nasaktan siya at iniyakan niya nang malaman niyang nagkaroon ng anak sa labas (ng kanilang marriage) ang kanyang mister, ang action star-producer at dating senador na si Bong Revilla at ito’y ang 26-year-old na ngayon na si Luigi Revilla. Si Luigi ay anak ni Bong sa ex-girlfriend niyang si Lovely de Guzman na ­unang naging girlfriend ng actor-politician bago pa man niya naging kasintahan si Lani. Pero hindi nagtagal ay buong puso niyang tinanggap sa kanilang pamilya si Luigi na parang anak na rin ang kanyang turing lalupa’t anak ito ng kanyang mister at kapatid ng kanilang mga anak.

VILMA VALERA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with